Chapter Eight.

2285 Words
Chapter Eight: The Anglie's Revenge. *Kung may Abbigail's Revenge dapat may Angelie Velasco Revenge den 'no lintik lang walang ganti char* Angelie's Point Of View. pasukan nanaman sa school hayst nakakapagod na talaga ang hirap mag aral pero kakayanin natin para sa future. Future Misis Velasquez. No Erase Erase bakit ba si Aldrin na naman naiisip ko? Anong connect nung Future misis Velasquez na yan? Pero mas okay na na mag hirap tayo ng halos ilang taon ng dahil sa pag aaral natin kesa naman mag hirap tayo habang buhay diba? Pumasok na ako ng Room pag pasok ko nag tinginan saken ang mga kaklase ko ano ito artista na ba ako? Oh My Gosh di ako inform. Oo guys alam ko ng maganda ako pero wag nyo na ako pag tinginan. "Hey Ms.Ugly can you seatdown duhh don't assume na tinitignan ka namin dahil maganda ka tinitignan ka namin dahil nakaharang ka ang tagal mo umupo" Ano ba ito abby? Ang aga aga beast mode agad. Ang ganda na ng umaga ko nasira pa. "ohhh bboom" wika ng mga kaklase ko so nabasag nya na ako nun? Eh ito ako buong buo ohh guys nakkita nyo ba? Di ko na sila pinansin kahit na tinarayan pa ako ni Abby at ng mga alagad niyang ulupong. Maya maya pa ay dumating na si Ma'm ang first subject teacher namin. Guys sa totoo lang ang hirap maging College student haystt tas About pa sa Business kinuha kong course. Nako pag talaga naging ako tas si Abby patient ko hahayaan ko yang mamatay pero mabait ako syempre di ko gagawin yun noh. Makalipas ang ilang oras loll Merong pinagawang project samin si Ma'm at si Aldrin ang nka partner ko sa dinami dami kong kaklase bakit sya pa? Sya ang makakasama ko ng isang buong linggo bukas na kami mag uumpisa. "best" hinawakan ni Lawrence ang balikat ko naging dahilan para magulat ako "Ayy putangina" napapamura kasi ako pag nag mumura ako. "Oh best kalma wala kang kaaway nasa taas pa si Abby" inirapan ko sya. Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung saang sulok nandun si Ricabella. Di ako nakapag tiis at tinanong ko na si Lawrence "bakla nasan si Ricabella?" Tinuro nya yung direksyon kung nasan si Ricabella. Pinuntahan namin yun oh ang galing noh guys? Masyadong pa speacial mga kaibigan ko kala mo naman. Nakita ko si Ricabella nakausap si Rico blanko este Rico yung kapatid nya. Nang matapos na ang usapan nila dumiretso kaming tatlo sa Canteen ng school para kumain. Si Ricabella na ang umorder para samin nang matapos n syang umorder pinuntahan ko sya para kunin yung juice na hawak nya. Habang nag lalakad kaming dalawa bigla akong tinapunan ni Cristy ng Spaghetti sa Damit ko. "Ayy sorry di ko sinadya Haha pero infairness bagay syo" Di ko na sya pinansin at nag patuloy lang ako sa pag lalakad ang bait ko noh guys? Well likas naman talaga sakin ang pagiging mabait pero lalaban tayo kung kinakailangan. ______________________________________ Habang nag lalakad kmi sa hallway ng school nakasalubong ko si Abby Charity at cristy mag kakasama ang tatlong ulupong. Iiwasan ko sana sila dahil ayaw ko ng away lalu na at nanjan si Aldrin nakatingin samin. Lumapit ako kay Aldrin at parang sikat na artista ako kung makatingin sakin si Abby. "Aldrin" Nag cross arm syang humarap at sumagot sakin "Yes?" "About dun sa Project" "Bukas na lang natin pag usapan" At nag walk out sya kasama si James isa sa mga kaibigan nya. Lumapit sakin si Abby "Wag kang papansin kay Aldrin girl you're such an ugly person para pansinin nya" Tatalikodan ko na sana sya ng bigla nyang hawakan ang braso ko "Hey so ano toh mag wawalk out ka bakit di mo ko kaya or baka takot ka dahil wala kaibigan mo" Yeahh totoo ang sinabi ni Abby wla kaibigan ko nasa taas kasi sila inumpisahan ang project. "Eh ano kung wala mga kaibigan ko di naman ako katulad mo na umaasa sa kanila plastik naman" Halos mag tinginan samin ang mga tao na nandito sa campus namin. "I'm not plastic like you" "Yeahh she's not" dagdag ni Charity "Edi Hindi mag sorry ka na lang saken abby para walang away" Saad ko "Never Ma attitude ako kaya di ko gagawin yun noh di ako luluhod sa harap mo" "una sa lahat wala akong sinabing Lumuhod ka sa Harap ko at kung ma-attitude ka mas ma-attitude ako kesa syo yun ang tandaan mo" "How dare you" Akmang sasampalin nya ako ng mahawakan ko ang braso nya "Lalaban ako kung kinakailangan di na ako mag papaapi pa syo" Inunahan ko na syang sampalin "Yang sampal na yan ang nag papatunay na lalaban na ako syo" para ko syang tinatakot ng sinabi ko ang mga salitan yun sinampal ko ulit sya "yang sampal naman na yan ay para sa mga taong inaapi mo" saad ko. Nag hiyawan ang mga taong nasa paligid ko dahil sa katapangan na ipinamalas ko "Wala kang karapatang saktan ako" "sa tingin mo ikaw may karapatan kang saktan at apihin ang mga taong nasa paligid mo?" saad ko. "What the..." di ko na narinig pa kung ano yung sinabi nya dahil nag walk out na ako palabas ng campus. Nang makauwi na ako sa bahay nakita kong walang tao dito siguro gumala sila ng di ako kasama di na tlaga ako ni love guys. Nga pala di na kami nag bubukas ng Karinderya ewan ko lang kung bakit siguro dahil di na kailangan ni tita ng pera dahil nag karun na ng trabaho si Leanne at Kuya Rodney. Binuksan ko ang cellphone ko at ang f*******: account ko (Angelie Maria Villanueva) Tadtad nanaman ng Messages ang account ko na ito siguro nga tama sila na kapag maganda ka mahal ka ng lahat at pag panget ka baliwala ka sa kanila. Pero isang chat lang naman ang naging pinaka gusto ko yung chat na nag mula kay Aldrin. Agad ko itong binuksan yeahh tama pag mahal mo ang isang tao kahit na sobrang dami pang nanjan sya lang ang mapapansin mo kung baga parang kayong dalawa lang ohh diba parang walang connect sa chat? Pero parang meron naman. "Hi how's your day?" "Okay lang naman ikaw ba?" "Okay lang din ay wait lang ahh kakain muna ako byee brb" Agad syang nag paalam sakin so sad naman. Maya maya may nag pop up na notification sa f*******: ko binuksan ko ito at nakita kong nag comment si Abby. Abbigail Rosales commented on your photo. "Pa accept my importante akong sasabihin syo" Yn yung naka lagay sa Comment nya Tinignan ko yung account nya para ma iaccept ko sya di para stalkin sya pero guys ang ganda nya sa dp nya pero kung ano yung kinanda nya yan yung kinagaspang ng ugali nya. Wala pang isang minuto nung inaccept ko sya bigla syang nag chat. "Hoy Poser" Loll ka b***h I'm not poser baka nagagandahan ka lang sakin noh inggit ka? "Problema mo?" "Ikaw ang problema ko." "Bakit sino ka ba di naman kita kilala?" "sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo?" Sino kaya dun sa 20 noh? "Huh what you mean?" "Ako ang Girlfriend ni Aldrin" Assumera ehh asawa ko na yan eh ininvite pa nga kita nung kasal namin. "Sa pag kakaalam ko wala syang Girlfriend, tsaka imposible yang sinasabi mo" "di yun impossible sa ganda kong ito" "Mas maganda naman ako then?" "maganda? Eh poser ka nga" "Weww poser daw ehh nag kita at nag date na nga kami ni Aldrin ehh poser Daw" Sinend ko sa kanya yung isang picture namin ni Aldrin na nasa Sm kami. "Ang galing mo mag edit girl umamin kana na poser ka" "ano naman aaminin ko? Aber gusto mo mag kita pa tayo ng malampaso kita sa sahig" "game tomorrow" "isama mo si Aldrin ahh or it worse baka ako pa mag sama sa kanya tsaka girlfriend ka nya naka relationship status sya single at di ka nya friend sa sss duhh" "you don't care b***h" "I care b***h na mas b***h ka pa saken isasama ko sya Girl" "Fine" Sineen ko sya syempre guys famous ata idol nyo. Biglang dumating si tita di nya kasama ang dalawa kong pinsan "oh tita nasan sila Leanne?" "pasensya kana Gelay di ko pla nasabi syo na bumalik na sila ng Probinsya" "Ahh ganun po ba" Kunwari nalungkot ako charot nalungkot naman tlaga ako naging close ko din naman mga pinsan ko kahit papaano. "ito oh kumain kana muna at matulog kana pagkatapos" Binigay sakin ni tita yung nasa plastic na pag kain pero di ko n lang muna yun kinain bukas na lang di naman ako nagugutom eh. ______________________________________ Natapos na ang aming klase mamayang alas tres pa kami gagawa ni Aldrin ng project na pinapagwa samin dun n lang daw kami sa bahay nila gagawa. "Guys may pupuntahan lang ako wag na kayong sumama ah" "San ka pupunta gelay?" tanung ni Ricabella sakin. "Basta aalis na ako bye guys" "ah Gelay..." Di ko na narinig pa yung sinasavi ni Ricabella dahil nag madali na akong pumunta ng Park na medyo malapit dito sa school dito kasi yung pinag usapan naming lugar ni Abby.. Uminom muna ako ng pampaganda at tinignan ko sa cellphone ko kung tumalab ba. Nang marating ako sa park nakita ko Si Cristy at lumapit ito sakin "Hi ikaw diba yung nanalo sa Beauty pageant pwede bang papicture" saad nito para syang maamong tuta na nag mamakaawang ampunin. Nilabas nya yung cellphone nya tsaka kinuhanan nya ako ng litrato na mag kasama kaming dalawa. "Idol mo ko?" "oo naman ang galing kaya ng sagut mo nakakaproud" Saad nito maya maya pa ay narinig kong tinawag sya ni Charity "Cristy nandito na si Abby" sigaw ni Charity. "Hey two of you come here" Nag tinginan kming dalawa at walang emosyon na makikita sa muka nya. Nag lakad kami ppunta sa mga kaibigan nya na kaaway ko kahit maging sino man ako. "Ikaw yung naka chat ko diba? angelie maria villanueva Right?" Bungad sakin ni Abby. "So ikaw pala si Abbigail Rosales na nag aasume bilang girlfriend ni Aldrin?" Umikot sya mula sa likod ko papunta ulit sa harap ko "OMG abby nakakachat mo pala sya ang swerte mo girl" saad ni Cristy na naging dahilan upang huminto si Abby sa pag ikot sakin. "Shut up cristy wala kang maitutulong, Ikaw naman" dinuro nya ako ano kaya ibalibag ko toh guys ngayun na "Tantanan mo si Aldrin" "huh? Pano ko sya tatantanan eh kung sya mismo yung lumalapit sakin diba?" "edi lumalayo ka" "pano ako lalayo eh kung sa tuwing pag hakbang ko tumatakbo sya papunta sakin?" "idol is that real na nilalapitan ka ni Aldrin?" tanung sakin ni Cristy. "Yeah" "Cristy don't call her idol don't idolize that idiot girl wala kang mapapala" Grabi naman ka judgemental itong si Abby iniidolo lang naman ako ng kaibigan nya s***h kakampi pano ba yan abby idol na ako ng kakampi mo.. "Sorry" saad ni Cristy. "hey b***h what i mean is Abbigail wala ka ng sasabihin? Aalis na ako" "Wow idiot girl gusto mo bang umuwi ng duguan?" "eh kung yang muka mo ang bangasan ko" Akmang susuntukin ko sya pero di ko tinuloy. Mabait naman ang idol nyo guys. Bigla nya akong sinampal at akmang sasampalin nya ulit ako ng biglang may nag salita "Hey stop" alam ko na yung boses na yun ay mula kay... Pag harap ko nakita ko si Aldrin at ang boses na yun ay mula talaga kay Aldrin. Hinawakan nya ang muka ko "are you okay?" halatang concern na concern sya sakin. Tumango na lamang ako at humarap ulit sa mga ulupong. Di ako nag salita pero ngumiti ako yung ngiti na para bang nang-iingit at tinaasan ko ng kilay si Abby. "Abby bakit mo sinampal si Angelie?" "ahh ano kasi Aldrin so-sorry" di sya makapag explain kung bakit alangan namang sabihin nya dahil gf sya ni Aldrin eh wala naman talagang sila. "wag ka sakin mag sorry kay angelie" "So..." di nya mabigkas yung salitang sorry ano ka baby? Pero pwede ka din namang maging baby ko yyiiee basta ikaw si Aldrin noh. "Make it fast may gagawin pa ako" Tinignan ni Aldrin yung orasan nya "Sorry Angelie" Ngumiti na lamang ako Hahaha parang sa real name ko talaga sya nag sosorry di ko talaga pinag sisihan na nag kamali ako sa Beauty contest. Tinarayan sya ni Aldrin "Ano ba tlga ang nangyari Angelie?" tanung nya sakin. "Sabi kasi ni Abby..." di ko natapos yung sasabihin ko. "Nothing we're okay now diba angelie?" Tumaas ang kilay ko pero di kami okay noh "No. Kailangan ni Aldrin malaman ang toto noh ng mag kaalaman na tayo" saad ko halatang nag tataka si Aldrin kung bakit ganun. "What's that and abby wag ka mag sasalita o sasabat man lang di ikaw ang kinakausap ko" sakin pa din nakaharap si aldrin. "Sinabi kasi ni Abby na girlfriend mo daw sya at nilalandi kita" saad ko.. Tinignn nya ng masama si Abby "is that true? Don't assume you'll never be my girlfriend abby because i have a girlfriend and that was Angelie" Tumabi sakin si Aldrin at inakbayan ako grabi ka naman crush ahh di ka panga nanliligaw pero girlfriend mo na agad ako. Nag lakad kami papalayo sa kanila "Hoy ano ginawa mo?" "Pinag tanggol ka tsaka na ako mag iexplain may gagawin pa ako tara sakay kana" Pinag buksan nya ako ng pinto at sumakay na ako dun bumaba na din ako ng makalayo na kami. Napanganga siguro si Abby sa sinabi ni Aldrin sa kanya.. -END OF THE CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD