Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang gumawa ng madaling paraan na siyang naiisip niya. Gamit ang maliliit na mga kutsilyong hawak ni Wong Ming ay isa-isa niyang pinaslang ang mga mahihinang miyembro ng grupo-grupong mga kalahok. Naging madali lamang ang pamamaraan ni Wong Ming sa pamamagitan ng paggilit ng kutsilyo sa leeg ng mga ito dahilan upang mawalan ng buhay ang mga ito at naiiwan lamang ang nakalutang na Golden Badge sa mga ito. Isa Dalawa Tatlo Apat Nakita ni Wong Ming na madali lamang ang ginawa niya. Bago pa siya matransport dahil nakompleto niya ang kaniyang objectives isama pang apat lamang ang kinakailangan niya ay matagumpay siya sa nasabing kompetisyon na ito sa huling trial. Kitang-kita niya pa na nagpapatayan na ang mga kalahok upang makuha ang gusto nilang m

