... Sa isang pasilyo ay mayroong anim na nilalang na naghihintay sa pagbabalik ng kasamahan nito. Kitang-kita na ang isa sa mga ito ay tila may ginagawa at mayroong mga kakaibang simbolong nagliliwanag sa kamay nito papuntang braso nito. Nakasuot ang mga ito ng itim na maluwang na cloak. Talagang nakakatakot ang kabuuang kaanyuan ng mga ito sa uri ng kasuotang suot-suot ng mga ito. Kung nakikita lamang ito ni Wong Ming ay sigurado siyang miyembro ito ng Red Skull Alliance na siyang nagsimulang mang-atake noon ng Dou City sa pagkakataong nakikita nila. Nakaharap ang mga ito sa isang pabilog na itim na itim na platform habang mayroong tatlong nilalang na nakaupo rito. Hindi maipagkakailang sa pagkakataong ito ay nagsubok ang mga itong ipasok ang tatlong miyembro nito sa loob ng isina

