Nakapasok na si Wong Ming sa entrance ng Snow Rain Forest at ramdam na ramdam na niya ang lamig ng kapaligiran. Gamit ang shadow steps na natutunan niya sa Golden Crane City partikular na sa amain niya ay agad niyang tinungo ang looban nito upang manggalugad na naman. Isa Dalawa Tatlo Hanggang sa hindi namalayan ni Wong Ming na nasa ikasiyam na araw na siya sa loob ng Snow Rain Forest. Masasabi niyang napakalamig ng lugar na kinaroroonan niya. Hindi nito aakalaing napakalakas ng mga mababangis na mga magical beasts na nasa loob ng lugar na ito. Halos daan-daang mga demonic cores ang nakuha niya mula sa mga nakasagupa niyang mga magical beasts na naririto. At hindi niya ikinagulat na purong mga Ice Type Beasts o Water Type Beasts ang nasasagupa at napapaslang niya. Talaga nga n

