Puno ng hinanakit at galit ang ipinadapong suntok ni Sean sa pisngi ni Monty. Mukha namang nahilo ang huli at hindi agad nakatayo. Hindi pa sya nakuntento at muli pa nya itong nilapitan at kwinelyuhan, itinayo saka initsa sa sopa. “Palagi kong pinapalagpas ang mga kalokohan mo, Monty, pero hindi sa pagkakataong ito!” Gigil na sinugod nya ito ulit at saka sinuntok sa panga naman. Halos umakyat kasi sa ulo ang lahat ng dugo nya sa katawan nang bumungad sa kanya ang isang balita pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinasakyan nya. Nalaman lang naman nya sa kanyang sekretarya ang dahilan kung bakit hindi na nya ma‑contact o makausap ang kanyang nobya. “What?! Nakakarami ka na huh!” “Talagang marami pang kasunod yan dahil sa ginawa mo! Bakit mo nagawang makipagsabwatan kay Ca

