Chapter 28

1508 Words

“Anak, sulat para sa'yo.”   Alanganing iniabot ni Mang Simon kay Dona ang isang kapirasong papel. Matagal nyang pinagmasdan ang ama bago lumipat ang kanyang mga mata sa hawak nitong sulat. Bumalik ang tingin nya rito. Buti pa si ama, luma-love life na. Palaging bagong ligo at naglulusak sa pabango ang kanyang tatay. Hindi na rin nya ito nakikitang umiinom. Pagjo-jogging at bandminton na ang kinaaadikan nito ngayon.   Umismid si Dona sabay irap. “Kung kay Sean ho galing yan, 'Tay, itapon nyo na lang.”   “Huh? Bakit, anak, kailan ka ba pinadalhan ng sulat ni Sean?”   Tumaas baba ang dibdib ni Dona. Gusto nyang ibunton ang inis sa hinas na hinas na buhok ng ama.  “Yun na nga, 'Tay eh, kahit kailan, wala akong natanggap na love letter sa kanya!”   Magmula nang mabalitaan nyang ikakas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD