“Sigurado ka ba rito, anak? Pwede ka naman doon sa binigay na lupa ni Sean.” Sinulyapan lang ni Dona ang ama saka ipinagpatuloy ang pagsasalansan ng damit sa loob ng Durabox cabinet. Noong isang linggo pa sila nakalipat roon ng kanyang ama, kasama si Mia. Maayos naman ang nalipatan nilang apartment. 3,500 ang monthly nila roon. May isang kwarto. Naghati sila ni Mia sa bayad sa upa, at sharing silang dalawa sa iisang kwarto. Ang ama nya ay sa sala lamang natutulog. Convenient ang lugar dahil malapit iyon sa lahat, sa trabaho ng kanyang ama, sa palengke, sa simbahan sa isang kilalang mall at supermarket. Marami-rami rin syang nakitang establishment para sa mga nangangailangan ng trabaho. Balak nyang mag-resign na sa bar at doon na lamang mag‑apply sa nakita nyang maliit na conveni

