Malungkot na pinagmasdan ni Dona ang isa-isang paghahakot ng gamit ng mga taga-compound. Wala ni sa mga iyon ang pumapansin sa kanya. Dinadaan-daanan lang sya ng mga tao na parang hindi sya kilala. Tinanggap na ng mga ito ang alok na pera ng Montero Hotels. Ang iba ay naghanap ng mauupahang bahay malapit doon, ngunit ang karamihan ay umuwi na sa kanya-kanyang kamag-anakan sa probinsya. Kagabi ay nagtangka sila ni Sean na tipunin ang mga tao roon upang makausap at kumbinsehin na roon na lamang lumipat sa itinalagang lupa ni Sean. Ngunit nang makita ng mga tao roon si Sean ay nagsipasukan ang mga ito sa bahay-bahay nila at mga hindi na nagsilabas. “Galit silang lahat sakin,” malungkot nyang sabi kay Mia na kumakain ng mangga sa tabi ng kalsada. Pinapanood din ng kaibigan ang tila mga

