Pasimpleng pinahid ni Sean ang butil ng pawis na gumapang sa kanyang sentido. Hindi nya maialis ang tingin sa makikinis na pinag-krus na mga hita ni Dona. Nakaupo ang nobya sa kanyang tabi. Gusto nyang mainggit sa pinaghubaran nyang T-shirt. Laganap ang tensyon sa hapag, at ramdam na ramdam iyon ni Sean. Kung alam nya lamang na madadatnan nya si Dona sa kanyang unit ay hindi na sana nya isinama roon si Camilla. Kung bakit kasi ubod ng kulit ng babae kapag lasing. Tahimik lang na kumakain si Dona, habang si Camilla ay sige ang kwento ng mga bagay na hindi nya naiintindihan. Siguro dahil na rin sa ang atensyon nya ay nasa katabi na mapang‑aakit. Lalo pa at alam nyang walang suot na bra si Dona, dahil bakat sa T-shirt ang mahiwagang cute na korona. Whew! Lalo syang nangainit!

