Nagsukatan ng tingin sina Dona at Camilla. Bahagya pang naniningkit-ningkit ang kanyang mga mata nang tinititigan ang karakas ng babaeng nasa harapan nya. Eto ba?! Eto ba ang nang‑iwan kay Sean?! Sigaw ng utak nya. Ang ganda shet! Ang sexy ni Camilla. Bagama't maraming tattoo sa katawan at ganoon ang ayos ng buhok ay gumagay naman sa babae. Hindi ito nagmukhang dugyot o mabaho. Sa halip nagmukha itong astig na kaakit-akit. Kaasar! Maya-maya ay ngumisi ito sa kanya, pilit idinidilat ang mapupungay na mga mata dahil sa labis na kalasingan. Lalapitan sana sya nito ngunit gumewang ang babae. Agad syang naalarma at umakto ang katawan nya ng pagsalo, pero naunahan sya ni Sean. Sa isang iglap, buhat na nito ang lasing na si Camilla. Tatawa-tawa ang babae at may kung anu-ano pang sina

