Chapter 23

1499 Words

“Hey!”   Simpleng tango lamang ang isinagot ni Sean kay Isaac. Tinabihan sya ng kapatid. Gustong matawa ni Sean. Habang sya ay nagpapakalunod sa alak, hayon ang kanyang kapatid na doktor, tangan ang isang baso ng gatas. May dala rin itong makapal na aklat ng medisina.   Halos kinse minutos silang walang imikan ng kapatid. Ano pa nga bang aasahan nya? Tahimik na tao lamang naman ang kapatid nyang iyon. Napakislot si Sean nang magkaroon ng tunog ang tawa ni Isaac. Ipinilig nya ang ulo. Siguro ay malakas na ang tama nya. Imposibleng tumawa ang kapatid nyang iyon. Sa tagal na nyang nabubuhay, kahit pagngiti nito ay bilang nya sa daliri.   “Tumawa ka ba?” serysong tanong nya rito.   Bumaling sa kanya ang nakangiting mukha nito. Mariin syang napapikit.   “s**t, lasing na nga ata ako…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD