Di pa man tumutunog ang alarm clock ay gising na gising na ang diwa ni Dona. Alas-siete mag-iingay ang orasan, ngunit mag-alas-kwatro pa lamang ay gising na sya. Ang may kagagawan, si Sean na mahigpit na nakapulot ang braso sa kanyang tiyan. Natulog syang nasa lapag ang lalaki, para lang magising sa isang mahigpit na yakap mula sa likuran. Napabuntong-hininga na lamang si Dona. Dahan-dahan nyang inalis ang braso ng lalaki, at laking ginhawa nya nang magtagumpay sa ginagawa. Pero di pa man sya nakakaayos ng pwesto ay ang isang hita naman ni Sean ang gumapos sa kanyang katawan. Mas mabigat… mas matigas… “Ano ba kinakain ng lintek na 'to, bato?” “Hmmm…” ungol ng lalaki. Napabaling ang mukha nya sa mukha nito, mukhang inosente, mukhang mabait, mukhang… baby. Baby na may stu

