- Angela - NAKAKULONG lang siya sa kwarto niya at walang kinakausap kahit isa. Wala siyang ginagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang sakit. Nawalan siya ng anak. At ngayon ilang lingo na siya dito sa bahay nila pero kahit minsan hindi siya pinuntahan ni Mael. Ang gaga niya. Siya ang umalis para lumayo dito pero sa bawat araw naman na dumaan lagi niyang inaantay na susunduin siya ni Mael. Namimiss niya na ito. Gusto niyang pagsisihan ang desisyong nagawa pero kapag naaalala niyang may nabuntis itong iba napipigil niya ang sarili. Naguumpisa uli siyang magalit, nagagalit siya dahil bakit kailangan siyang lokohin at saktan ni Mael? At mas nagagalit siya sa sarili niya dahil bakit hindi niya magawang kalimutan ito? Kailan ba titigil sa pagiging miser

