- Mael - "You can't do this to me, Mael!" Galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurse na may hawak dito. "I'm not crazy!" Muling sigaw nito. Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil don tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga mental institute na isa itong baliw. Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help baby. " Aniya. "You'll be fine. I p-promise. " He said with a crack voice, nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya ng lihim. "Hayup ka! Napaka hayup mo! Ikaw ang baliw!" Umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan niyo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong nilagyan ng straight jacket. Kahit ano pang sabihin nito wala ng maniniwala dit

