Melbourne Airport, Australia Napatingin siya sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito. Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mata. Mamula mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw. Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito. "Hello" bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lubamas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nag pa cute dito. "Mama" tawag nito sakanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sakanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganon? "Juli

