IT'S SUNDAY MORNING, the day of her wedding day. Dapat sana garden wedding pero dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan sa malaking sala ng mansion ng mga Capistrano ginanap ang kasal nila. It's been thirty minutes nang ikasal sila. Wala pa rin tigil ang ulan. Ang mga bisita, ang pamilya niya at si Veron na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na kay Mael siya ikinasal at ang mga magulang at lolo ng asawa niya, ang priest na nagkasal sa kanila at ang isang sakristan nito, pati na rin si Don Damien Arcega at ang anak nitong lalaki na ngayon ay kausap ang kapatid niyang si Juancho. Nakaharap na niya ang Don noong sinapak ng apo nito ang kapatid niya na muntik nang ikinabulag ng kapatid niya dahil nabasag ang salamin na suot nito at bumaon sa talukap ng mata nito ang bubog. Si

