NADATNAN ni Mael na nakaupo sa gilid ng kama ang asawa. Nakapagpalit na ito ng pantulog. Pajama at malaking tshirt. Nakatulala lang ito sa bintana. Tumikhim siya pero hindi siya nito pinansin. Napatiim bagang siya. Ano kayang pinag-usapan nito at ng pinsan niya. Bakit parang pinagsakluban ng langit ang asawa niya? Siguro dahil kasal na ito sa kanya kaya naisip nito na hindi na ito uubra sa pinsan niya. Kilala niya ito laki ito sa lola nito na numero unong conservative. Mas pinili nito ang tama. At hindi ako - mapait na bulong niya sa sarili. Naghubad siya ng damit tanging boxer lang ang iniwan niya. Lumapit siya dito at tumabi ng upo dito. Hinalikan niya ang leeg nito. Naramdaman niyang nanigas ito na ikinainis niya. Balik na naman ba sila sa umpisa dahil lang sa nagpakita ang magal

