CHAPTER 1
BEGINNING
"Sevy halika dito kiss mo ako pleettttt," pag iinarteng tawag sa kaniya ni Red,nakanguso pa ang gago na parang bebe at nakapikit ang mata,hinubad niya ang kaniyang sapatos pati na rin ang kaniyang medyas at dahan-dahang lumapit dito at walang pag alinlangang hinawakan ang panga nito at piniga,ng bumuka ang bibig nito mabilis niya isinaksak sa nakabukang bunganga ang kaniyang kakahubad lang na medyas.
Nagpumiglas ang gago pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa mukha nito,naduduwal na ito at may mga luhang lumabas sa gilid ng kaniyang mga mata.
Binitawan niya ito at mabilis na tumakbo palayo,tawang tawa naman ang ibang mga kaibigan sa ginawa niya,halos sumabog naman si Red sa galit dahil sa pagpasak niya ng medyas na hinubad sa bunganga nito.
"Hayop ka Harrison bumalik ka ditong gago ka," nangangalaiting sigaw nito sa kaniya na akmang hahabulin siya pero niyapak ito ni Spike sa likod para hindi makatakbo..
"Red honey calm down,tama na yan,huwag mo nang patolan," pabaklang pagda drama ni Spike na ikinatanggap ng siko ky Red..
"Bitawan mo akong gago ka,papatayin ko ang tang'inang Harrison na yan,ang baho-baho ng medyas ng gago..!! Putang'ina amoy inggron hayop,"..galit na galit na sabi ni Red.
Bumunghalit naman ng tawa ang iba dahil sa sinabi ni Red.
"Lesson learned Cole,huwag manghingi ng kiss sa mga kaibigan mo,baka ikapahamak mo lang yan," buska ni Ashton dito.
"Isa lang ang masasabi ko Red, duseerrvvvvveee, " maarteng sabat naman ni Tobias.Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan..
"Kaibigan ko ba talaga kayo,ha ? "
"This is the diffinition of friendship to us Cole,masanay ka na ," mahinang sabat ni Drake.
Nasa bar sila ni Spike ngayon,sobrang tagal na din nilang hindi naka bonding dahil sa busy na ang isat-isa sa kanila,apat sa kaibigan niya na ang nagsipag asawa kung kaya silang mga single na lang ang palaging magkakasama,bihira na lang ang bardagolan kasama ang mga may pamilya na.
Masaya siya para sa mga kaibigan na nakikita niyang masaya na ngayon kasama ang kaniya-kaniyang pamilya,dumaan man ang mga ito sa mga mahihirap na pagsubok pero matiwasay namang nalampasan ng mga ito kasama ang mga babaeng minamahal.
Bumalik siya sa upuan at pabagsak na naupo,masama pa rin ang tingin ni Red sa kaniya kung kaya nginisihan niya ito at pinakitaan ng gitnang daliri na ikinabato nito ng lata ng beer na mabilis niya namang sinalo.
He is not getting any younger, ilang buwan na lang mag thirty four na siya,pero wala pa rin planong mag seryoso sa isang relasyon,he has a lot of women to fvck and willing to get laid,mga hindi basta-bastang mga babae,most of them are models pero wala sa kanila ang hinahanap niyang katangian sa isang babae.
Isang babae lang ang nasa isip niya pero hindi niya na makita pa ito,parang mabaliw na siya sa paghahanap dito kung saan-saan pero walang maibigay na report ang inupahang imbestigador para hanapin ito..
He wanted to ask Red's help but knowing this chismoso paniguradong buska ang aabutin niya sa lahat ng kaniyang kaibigan..No one knows what he had been through this past few years,kahit ang mga kaibigan walang alam sa pinagagawa niya sa buhay,he kept it to himself.
"Kamusta na kaya siya?",maayos lang kaya ang lagay niya?"