CHAPTER 1❤ Kwento ko ng buhay ko.
"Huwag mo nang paaralin 'yan, mag asawa din naman 'yan kalaunan." Ito ang katagang pinaka tatandaan ko sinabi ito ng tatay ko ng pangalawang taon pa lang ako sa high school.
Ayaw kong maniwala na mag asawa agad ako. Kaya nagpursigi akong makatapos ng pag aaral. Gusto ko pang magtapos ng kolehiyo at makapag trabaho ng maayos. Ayaw ko mag boyfriend kasi wala naman nanligaw sa akin. Kasi sabi nila lesbian daw ako. Which is not true kasi alam ko sa sarili kong babae ako. May crush akong lalaki ever since elementary hanggang high school. Pero mauna siyang ga graduate kasi ahead siya sa akin ng isang taon.
"Liligawan kita, habang nandito pa ako." Sabi ng crush kong si Nico isang hapon ng magkasabay kami pauwi.
Nilalakad lang namin papunta at pauwi sa lugar namin. Sa malawak na fishpond kami dumadaan para malapit lang sa amin. Kasi kapag sa mainroad ka dadaan masyadong malayo.
"Alam mo may ipagtatapat ako sa 'yo." Nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Sagutin mo na ako?" Excited siya masyado ha.
"Hindi, kasi ayaw ko pa magka boyfriend." Sagot ko habang naglalakad. Nakatuon ang tingin ko sa harapan kasi nahihiya ako.
Dalagang pilipina ako noh! Ano ba akala niyo?
"Alam mo bang matagal na akong may crush sa 'yo, since elementary ikaw na. Pero ngayon habang sinasabi mong gusto mo akong ligawan ay biglang nawala ang paghanga ko sa 'yo." Narinig kong tumawa siya ng mahina.
"watamis! Masyado akong nabigla." bulong niya pero narinig ko pa. Nagmamadali akong naglakad pauwi kasi ayaw ko na siyang makasabay.
"Magkita tayo mamaya sa may kakahuyan, hintayin kita!" Sigaw pa niya.
Nagkaroon tuloy ng tanong sa akin kung pupunta ba ako o hindi. Baka kasi may gawin siyang labag sa loob ko. Wala akong karanasan sa pagkakaroon ng kasintahan kaya hindi ko alam ang gagawin. Natatakot din naman akong magsabi sa nanay ko kasi baka pagalitan ako.
Alas singko ng marating ko ang maliit naming bahay. Alas kwatro kasi ang huli naming klase kaya maaga pa akong umuwi. Hindi rin ako mahilig makipag barkada kaya kapag nasa eskwelahan ako ay ako lang mag isa.
"Nandito ka na pala anak," bati ni nanay sa akin habang inaayos ang kaldero para sa sinaing niya.
"Opo, may kanin po ba nay?" Tanong ko kay nanay.
"Aba'y oo naman, tirhan mo lamang ang mga kapatid mo. Baka gutom rin 'yon." Sambit ni Nanay.
Kaagad ako na nagpalit ng pambahay na damit, saka tahimik na kumain. Nang makatapos ay nag isip ako kung pupunta ba ako o hindi sa sinasabi ni Nico.
Sa huli ay umalis ako papunta sa tagpuan na sinabi ni Nico.
Nakita ko siyang inaayos ang mga bahaging uupuan namin. Nang makita niya ako ay ngumiti siya saka niya ako inalalayan maupo. Inakbayan niya ako sa balikat pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi kaya ako umigtad ng bahagya.
"Para saan 'yon? May nanliligaw bang nanghahalik agad?" Mahinang sabi ko sa kanya.
"Bakit? Sa gusto kitang halikan eh," sagot niya. kinabig niya ako palapit sa kanya.
Nanindig ang balahibo ko sa mga ginagawa niya. Ganito ba talaga ang nanliligaw? Bakit sa iba simpleng usapan lang naman, tapos ihahatid sa bahay nila ang kanilang nililigawan? Sa akin bakit may patagong tagpuan pa?
"Alam mo aalis ako papunta ng Malwagin. Doon daw ako hahanap ng trabaho sa kapatid ko." Maya mayang sabi niya sa akin.
Pito pala silang magkakapatid. Pangtatlo siya ang dalawa niyang kapatid ay may kanya kanyang pamilya niya. Habang ang iba naman ay nag aaral na.
"Bakit mo sa akin sinasabi 'yan?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi baka naman pigilan mo ako." Kiniliti niya ako sa tagiliran.
"Bakit naman kita pipigilan?" Kunwaring tanong ko ulit sa kanya.
"Kasi sabi mo kahapon crush mo 'ko kaya pipigilan mo akong aalis." nagpapacute pa ang loko.
"Alam mo ang cute mo, pero hindi mo ako madadala diyan kasi mas priority ko ngayon ang pag aaral ko." Tumayo na ako para umuwi.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya.
"Uwi na ako baka hinahanap na ako ng nanay ko." sagot ko. "Kung gusto mong umalis, umalis ka. Hindi kita pipigilan kasi may sariling isip ka, malaki ka na para makag desisyon para sa sarili." Tuloy tuloy akong lumabas ng tagpuan namin. Saka umuwi sa amin, nadatnan kong nagluluto si Nanay ng paksiw na isda.
"Mukhang masarap ang ulam natin nay, mapapalaban kami mamaya nito." Masiglang sambit ko kay Nanay.
"Oo naman anak, salamat kasi kahit paksiw lang ang ulam natin palagi, masaya na kayo." Nakangiting sambit ni nanay sa akin.
Nakita ko ang mga kapatid ko ay masayang naglalaro sa labas ng bahay. Alas sais na pero masaya pa silang naglalaro.
Simple lang buhay namin, labandera si Nanay, si Tatay naman ay nagbabantay ng Fish pond na dinadaanan namin papuntang skwelahan.
Minsan kapag walang pasok ay tumutulong ako kay nanay bilang panganay na anak ay tungkulin ko 'yon. Hindi ako matalino pagdating sa pag aaral pero ginagawa ko ang lahat para makapasa. Pipilitin ko rin na makatapos ng pag aaral. Isang taon na lang ang bubunuin ko ay tapos na ako. Saka ko na po problemahin ang pang college mo kapag may trabaho na ako.
Kinagabihan ay nagkayayaan kaming magkakapatid na manood sa kapitbahay namin ng television. Magaganda kasi ang palabas kaya nanonood kami palagi. Sa bahay kami ni Nico nanonood kasi malapit lang sila sa amin. Hindi katulad namin mas nakakaangat sila may kuryente sila at may television. Kaya nakikinood kami, hindi katulad namin na tanging lampara lang ang ginagamit tuwing gabe. Tapos pag tulog naman kami ay pinapatay para sa susunod na gabi ay may gagamitin pang kaming muli.
Sana makatapos na ako ng pag aaral at makapag trabaho para maka angat na kami sa kahirapan. Halos kasi ng kabarangay namin dito ay may mga ilaw na de kuryente na. Iilan na lang ang wala. Gusto ko rin maranasan ang maginhawang pamumuhay. Gusto kong makakain ng masaganang pagkain. Kahit kontento na ako sa paksiw ay gusto ko pa rin makatikim ng pagkain na may pera lamang ang kayang bumili.
Hay buhay mahirap.