bc

ANG SAKIT MONG MAHALIN, PROMISE.

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
family
HE
drama
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. Kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ay hindi ko po sinasadya.

 Minsan sa buhay natin kung sino pa 'yong inaakala mong tama, siya pa ang mali. Nagsisi ka man pero mukhang huli na, kahit masabi mong maswerte ka sa ibang bagay. Ngunit sa bagay na kaisa isa mong minimithi ay nagiging malas ka lang. Minsan kung sino pa ang minahal mo ng tunay siya pa ang magbibigay sa 'yo ng sakit na tunay. Pero wala kang magagawa kundi magtiis na lang kasi 'yon ang kailangan. Pero hanggang saan ba ang kayang mong tiisin para sa taong mahal mo na laging kang sinasaktan hindi lang physical kung di pati emotional? Mamahalin mo pa rin ba siya kahit na sonrang sakit na?Tunghayan ang masakit at mapanakit na istoryang ito.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE❤
Prologue❤ "Ito lang ba ang pera mo ngayon?" Tanong ko sa asawa ko. "Oo, nagbayad kasi ako sa utang ko sa kumpare ko kaya kaunti lang ang dala kong pera." Mahinahon na sabi niya sa akin. Laborer ang trabaho ng asawa ko o partner kasi hindi pa naman kami kasal. Nagsama kami mahigit siyam na taon na. At may dalawa kaming anak. "May utang pa ako sa tindahan eh." Mahinang sambit ko. "Yan kasi ang hilig mo mangutang, bahala ka diyan!" Sigaw niya bigla sa akin. "Bakit? May pera ka bang iniwan sa amin kanina? Pumapasok pa ang anak mo sa paaralan? Kung ang singkwenta mong iniiwan sa amin kulang pa nga sa buong araw. Ngayon pa kayang wala kang iniwan ni piso!" Ganting sigaw ko sa kanya. "Yan ang hirap sa 'yo kasi hindi mo alam ang pagod ng trabaho ko! Hihilata ka lang dito saka ka magrereklamo na kulang ang dala kong pera! Tang**a ka!" Sigaw niya ulit sa akin. "Mga palamunin na nga kayo, dagdag problema pa kayo!" Dagdag pa niya. Masakit pakinggan ang ganyang mga salita galing mismo sa taong mahal mo. Naninikip ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya. Bakit kailangan na pati anak namin ay idamay pa niya sa mga pang iinsulto niya sa akin. Pabigat na ba talaga ang tingin niya sa akin? "Oh ano? Titingin ka pa sa akin? Bumili ka na ng bigas para maka saing ka na!" Sigaw niya sa akin. "Huwag kang iiyak sa harap ko baka masampal lang kita." Kinuha niya kaagad ang selpon sa anak ko. Kaya napaiyak ang dalawa kong anak dahil sa hindi pa sila tapos sa pinapanood nila. "Tumahimik kayong dalawa, kung hindi makakatikim kayo sa akin! Mainit ang ulo ko ngayon!" Sigaw niya sa dalawa naming anak. "Bakit pati anak natin kailangan mo pang sigawan! Di bale ng sigawan mo ako huwag lang anak ko!" Bulyaw ko sa kanya. Pinukol niya ako ng matalim na tingin. "Tumahimik ka kung hindi makakatikim ka rin sa akin." Nagtiim bagang na sabi niya sa akin. "Bakit? Ano gagawin mo? Sasampalin mo ako? Sanay na ako sa 'yo, akala mo ba nakakalimutan ko ang pagtapon mo ng mainit na kape sa akin dati? Hindi! Kasi hanggang ngayon nakatatak pa rin 'yon sa isip ko!" Sigaw ko sa kanya. Bahala na makarinig ang ibang pamilya niya rito. Wala na akong pakialam kahit hindi ako taga dito. Mahal ko ang mga anak ko kahit minsan napapalo ko sila pero kapag ang ama na nila ang mananakit sa kanila, hindi ko na hinahayaan. "Sana iniisip mo muna bago ka gumawa ng bata, sana natingnan mo muna ang posibleng mangyayari bago ka gumawa ng isang bagay. Pabigat na pala kami sa 'yo ngayon." Naiiyak na sabi ko sa kanya. "Sinabi kong tahimik na eh!" Akma niya akong sisilain pero nakailag ako. Pagdating sa kanya naging mahina ako. Pero kapag ganito na ang nangyayari ayoko ko na. Suko na ako sa kanya. Nakakapagod maging partner niya. Pati anak ko nasasaktan na niya. "Kapag hindi ka pa tatahimik diyan lahat kayo makakatikim sa akin." Bumalik ang tingin niya sa kanyang selpon. Isa lang kasi ang selpon kaya kapag nandito siya sa bahay kaming tatlo ay hindi na makakagamit ng selpon maliban na lang kung may kailangan ako. Sandali niyang binibigay ang selpon sa akin. Agad ko rin binabalik sa kanya kapag tapos na. Kinuha ko na lamang pera sa higaan namin. Saka dinala ang dalawa kong anak sa tindahan ng kaibigan kong si Elise. "Avyanna, magbabayad ka na ba?" Bungad sa akin ni Elise. "Pwede bang bukas na? Kaunti lang kasi ang pera na dala ni lukas eh." Nag aalangan kong sabi sa kanya. "Hindi pwede Avy, may babayaran ako bukas kaya kailangan ko ngayon ang bayad mo." Sagot niya. Wala akong nagawa kaya binayaran ko na lamang ang utang kong singkwenta pesos saka nangutang ulit sa kanya ng kakailanganin sa loob ng bahay saka bumili na rin ako ng bigas sa kanya. "Ma, gusto ko bumili ng candy," hiling panganay kong anak na si Carrie. "Ako rin po mama," sambit naman ng pangalawang kong anak na si karyle. "Basta candy lang ha?" tumango silang dalawa kaya binilhan ko na. Umuwi kaming tatlo saka sila nagpaalam na dalawa na pupunta sa kapitbahay para makanood ng tv doon. Pinayagan ko na kaysa naman sa mapagalitan sila ng ama nila. Nag igib ako ng tubig para sa amin ng anak ko, saka ako bumili ng mineral water para sa inumin namin. Nang matapos akong mag luto ng kanin saka pancit canton na ulam namin para sa hapunan ay tinawag ko na ang dalawa kong anak sa kapitbahay namin. Tiyahin ni Lukas ang kapit bahay namin kaya minsan dito ako humihingi ng ulam namin. Kapag wala talaga akong pambili. Mabuti na lang minsan kapag may naiipit ako kaya hindi ako nahihirapan sa isang araw naming tatlo. Ayoko ko rin naman na lumiban sila ng klase nila kasi baka nakasanayan na nilang palagi silang lumiliban ng klase. Kaya kahit bente lang ang dala kong pera pinipilit kong makapasok silang dalawa. Saka ko na iniisip ang pang meryenda nilang dalawa pagka hapon. Minsan nagsisi ako kung bakit si Lukas ang napili kong pakisamahan kung dati naman ay maraming nagkakandarapa sa akin. Hindi ako maputi tulad iba, masasabi kong napapangitan ako sa sarili ko. Pero dati pag nagka boyfriend ako hindi lang isa kundi dalawa minsan tatlo pa. Minsan ang naging boyfriend ko ay napapaiyak pa kapag iniiwan ko na sila. May lumuluhod pa nga huwag ko lang silang iwanan. Perong makilala ko si Lukas nawala lahat ng boyfriend ko. Binuntis niya kaagad ako pero ramdam kong hindi siya masaya at parang napipilitan lang sa amin ng mga anak niya. Nang mag alok siya akin na gusto niya akong maging girlfriend. Pumayag agad ako kasi ang bait ng pamilya niya. Lalo na ang mga magulang niya, nagtataka ako kasi sobrang layo ng ugali niya sa mga kapatid niya. Minsan ko na rin na tanong ang biyenan kong babae tungkol sa ugali ni Lukas pero hindi ako masagot sagot ng biyenan ko kasi kahit siya nagtataka din sa ugali ng anak niya kung saan ito nakukuha ang pagiging barumbado. Ako nga pala si Avyanna Carbonel and this my Love story.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook