❀⊱Aurora's POV⊰❀ Kanina pa ako tahimik lang. Hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari kanina. May pasaring ang mga sinabi ni Zandro sa akin, at kailangan kong malaman kung ano ang nalalaman niya tungkol sa pagkatao ko. Hindi pa nila pwedeng malaman na ako, at si Aurora na dating pinaglaruan ni Darwin ay iisa. Hawak ko ang telepono ko, gusto kong tawagan ang mga kaibigan ko, pero ayoko namang makaabala sa kanila, lalo na kay Jo Ann. Minsan lang silang magkita ng kakambal niya, hindi ko sisirain ang moment nila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, pagkatapos ay pabagsak akong naupo sa sofa. Kanina ko pa tinatawagan si Kuya Caleb, pero hindi naman niya ako sinasagot. Baka busy na siya ngayon, may mahalaga kasi siyang gagawin dito sa Pilipinas kaya siya nandito. Haban

