┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Alas singko na ng hapon, at hindi na mapakali si Darwin. Halos hindi na ito makapaghintay sa sobrang excitement. Ilang ulit na siyang sumulyap sa kanyang orasang pambisig, sabay lakad sa paligid ng pool area sa kanyang penthouse na parang binabagabag ng hindi maipaliwanag na kaba. Bihis na bihis na siya, nakasuot ng sleek, dark button-down shirt at bagong planchadong pantalon. Lahat ng detalye ng itsura niya ay planado, mula buhok hanggang sapatos. Para siyang groom na ready nang sumalang sa altar at pakasalan ang nag-iisang babaeng minamahal ng puso niya. Huminga siya nang malalim habang nakatingala sa langit, pinipilit kalmahin ang sarili. At habang nakatitig sa mga ulap na unti-unti ng nawawalan ng liwanag ay bigla siyang natawa ng mahina. "Kung sino man sa mga pinsan k

