◄Darwin's POV► "Mukhang masayang-masaya yata ang kapatid ko." Bigla akong napaangat ng tingin mula sa hawak kong papeles nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Ate Maya. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa loob ng opisina ko. Tahimik lang ang buong silid, pero ang presensya niya ay parang biglang nagpasok ng kakaibang energy, warm, familiar, yet a little probing. "Ate! Napadaan ka? Ginulat mo naman ako." Agad kong tanong habang mabilis akong tumatayo mula sa swivel chair na kinauupuan ko. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi, gaya ng nakasanayan naming magkapatid. Ngumiti siya bago iniabot sa akin ang isang itim na folder. Napatingin naman agad ako dito, nagtataka ako kung ano ang folder na ibinigay niya sa akin dahil wala naman kaming ongoing project na gina

