┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Lumipas pa ang mga araw at bukas na ang kasal nila Darwin at Aurora, kaya kinakausap ng ama ni Darwin ang asawa nito na si Emelendria. Gusto nitong dumalo ang kanyang asawa sa pinaka-importanteng araw ng kanilang anak. Usap-usapan na ngayon ang engrandeng kasal na magaganap bukas, kaya ito na ang pagkakataon ng ama ni Darwin na kausapin muli ang kanyang asawa upang mapaliwanagan niya ito. Alam niya na ikatutuwa ng anak nila kung makakarating ang ina nito sa mismong araw ng kasal nito. Kaya ginagawa ng ama ni Darwin ang lahat upang mapapayag si Emelendria na dumalo ng kasal bukas, at ito na ang pinakamagandang regalo na matatanggap ni Darwin... ang pagtanggap ng ina niya kay Aurora. "Mahal, kalimutan mo na ang nakaraan. Hindi lahat ng nangyari sa'yo ay pwedeng mangyari sa a

