◄Darwin's POV► Masayang-masaya ako. As in to the point na parang gusto ko nang magpa-party sa rooftop kahit wala pang okasyon. I mean, Aurora said yes, not just to the proposal, but sa mismong petsa ng kasal namin. Next month. Official. Wala ng atrasan pa. Nakasaad na sa kalendaryo at naipahayag ko na rin sa harapan ng aking ama at kapatid. Wala na talagang atrasan ito. Oh well, hindi naman talaga ako aatras kahit na harangan pa ako ng tangke at sibat. Hindi man namin nakausap pa ang aking ina dahil hindi naman niya kami hinarap, at kahit alam kong malaki ang posibilidad na hindi siya dadalo sa kasal namin, o worse, tutol siya sa lahat ng ito... I’ve already made peace with that. Buhay ko naman ito, at ako ang makikisama kay Aurora at hindi siya, kaya okay lang kahit na hindi siya agree

