┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Masaya ang araw na 'yon para kay Darwin. Ibang klaseng kaligayahan ang nararamdaman ng kanyang puso, 'yung tipong ramdam niya sa bawat pagtibok ng kanyang puso, na parang may bago siyang mundong papasukin. Kaligayahan na ngayon lang muli nangyari sa kanyang buhay. Matapos nilang kumain ni Aurora ng hapunan kasama ang mga taong sumaksi sa ginawa niyang proposal, agad siyang tumawag sa ama niya habang nasa biyahe sila at patungo sa malaking estate ng kanyang mga magulang. Excited siyang ibinalita na may kasama siyang espesyal ngayong gabi, isang sorpresa na hindi niya alam kung ikatutuwa ba ng mga ito, pero bilang respeto ay kailangan niyang ipakilala sa mga ito ang babaeng magiging asawa niya. "Dad." Sabi niya ng sinagot ng kanyang ama ang tawag niya, habang nakatingin kay

