┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Araw ng kasal. The day he’d been dreaming of for months, pero ngayong nandito na, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Nakatayo si Darwin sa harap ng full-length mirror sa silid niya sa mansyon ng kanyang mga magulang, nakasuot ng sleek na itim na tuxedo, freshly pressed, classic ang cut, bagay na bagay sa matipuno niyang pangangatawan. Maayos ang pagkakasuot ng white polo sa ilalim at ang polido niyang sapatos ay parang kasing kinis ng mga alaala nilang dalawa ni Aurora noong sinagot siya nito. From the outside, he looked every bit the picture of a groom na handang-handa sa mahalagang araw na ito. Pero sa loob-loob niya... parang hindi siya mapakali. Parang may bumabagabag sa kanya na hindi niya maipali

