┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakaharap si Darwin sa salamin. Araw ng linggo, at dahil walang trabaho ay pupuntahan niya ngayon si Aurora sa condo nito. Natawagan na naman niya ito. Gusto niyang ipakita kay Aurora ang penthouse niya. Kaya nga maaga pa lang ay pinaalis na niya ang kanyang kasambahay dahil gusto niyang masarili ang kanyang nobya. Nakapagluto na rin siya. Pati dessert nila ay siya ang nag-bake. Pinaghandaan niya ang araw na ito dahil gusto niyang maging romantic ang araw na ito sa piling ng kanyang nobya. Napangiti siya sa harapan ng salamin. Inayos niya ang kanyang polo at itinupi ang mahabang manggas nito hanggang sa kanyang siko. "This is it." Bulong niya, pagkatapos ay napatingin siya sa buong paligid. Punong-puno ng mga mamahaling bulaklak na talagang inorder pa niya sa mga high-en

