Chapter 7 -Darwin x Aurora-

2250 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Hindi mapakali si Darwin. Nakatitig lamang siya kay Aurora. Hindi pa rin siya makapaniwala na si Ara na nakita niya sa Milan, na laging laman ng isipan niya at si Aurora na misteryosang painter na nagtatago sa maskara ay iisa. "Ang gandang babae. Laglag ba ang brief mo?" Pagbibiro ni Tyler. Darwin didn’t say a word. He simply stared at Aurora, gripped by the fear that if he so much as blinked, she would disappear. "Ilang paintings na lang at nandito na siya sa tabi mo." Bulong naman ni Rouge. Hindi pa rin kumikibo si Darwin. Titig na titig lang siya kay Aurora. "Tinamaan ka?" Dagdag na sabi pa ni Rouge. Bigla siyang nilingon ni Darwin, pagkatapos ay sarkastiko itong natawa. "Ako? Tatamaan sa babaeng 'yon? Nope. Hindi lang ako makapaniwala na ang babaeng nakita ko sa Milan at siya ay iisa lang." Sagot ni Darwin sa pinsan niya. Tumawa naman ng pagak si Rouge na tila ba hindi nito pinapaniwalaan ang isinagot sa kanya ni Darwin. "She’s coming your way, sir. Better have your questions ready. Just stick to her paintings... no personal stuff, or you’ll lose her." Sabi ni Jo Ann ng nilapitan niya ang grupo nila Darwin. "You have nothing to worry about. I'm here strictly in a professional capacity. My only interest is the painting. I simply need more information about it." "You betcha!" Sagot ni Jo Ann. Natawa naman si Tyler at tumingin kay Darwin, pero hindi siya pinansin ng kaibigan ni Aurora. Umalis na lamang ito at nagpunta naman sa kabilang painting dahil marami pang tao na naghihintay din na malapitan sila ni Aurora. "Bibilhin mo ba ang painting na 'yan? Hindi ka naman mahilig sa painting." Sabi ni Rouge. Hindi kumibo si Darwin. Natahimik ito dahil nasa harapan na nila si Aurora. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. Nakatitig lamang siya dito na para bang nahihipnotismo siya sa kagandahang taglay nni Aurora. "Is there something you would like to ask about the painting?" Tanong ni Aurora. Parang itinulos si Darwin sa kinatatayuan niya ng mapatitig siya sa mukha ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Napakaganda ni Aurora. Pero may kung anong bumubulong sa kanyang isipan na para bang nagkita na sila nuon, pero hindi niya malaman kung saan at kung kaylan. "Tell me, Aurora... have we met before? I can’t shake the feeling that we have." "Hindi ba sinabi sa'yo ni Miss Jo Ann Madayag Dela Cruz na tungkol lamang sa mga paintings ang sasagutin kong tanong?" Nakataas na kilay na sabi ni Aurora. Darwin scoffed. "So we have met, haven't we? Tell me, where and when?" Wika ni Darwin. Natawa naman ng mahina si Aurora at napatingin sa mga kaibigan niya, pagkatapos ay umiling ito ng ulo. "Yeah, we have met. Remember in Milan? Then in Davao. Gusto mo ba ulitin ko pa ang sinabi mong pang-iinsulto sa akin? I'm sorry, Mister Hendrickson. My time’s up, and so is your chance." Sagot ni Aurora, at walang sabi-sabi na tinalikuran si Darwin. Pero naging mabilis ang kilos ni Darwin at agad na pinigilan si Aurora sa braso. "Keep your hands off me, Mister Hendrickson. Sei così arrogante!" Wika ni Aurora, pagkatapos ay ipiniksi niya ang kamay ni Darwin na nakahawak sa kanyang braso. "I'm done for tonight. I have no more patience to entertain your questions, no more energy to dance around old memories you'd rather forget. My time, Mister Hendrickson, is not something you can demand... and tonight, you’ve already taken more than you deserve." Sabi ni Aurora. Kumunot ang noo ni Darwin at akmang pipigilan muli si Aurora, pero humarang naman ang mga bodyguards nito. "Memories? Anong memories ang gusto mong sabihin? Bakit Aurora? Higit pa ba sa Milan at sa Davao ang tinutukoy mo?" "Huh! Umaasa ka ba na may iba pang alaala sa ating dalawa? Ang tinutukoy ko ay ang Milan at ang Davao na ininsulto mo ako. Sa simula pa lang Mister Hendrickson, mainit na ang dugo mo sa akin. Huwag kang masyadong mainis, baka atakihin ka sa puso." Nakataas na kilay na sabi ni Aurora. Napahugot naman ng malalim na paghinga si Darwin at muli itong nagsalita. "I'm so sorry Aurora. About duon sa pagkikita natin sa Davao, humihingi ako ng pasensya. Masyado lang magulo ang utak ko ng mga panahon na 'yon. I hope na bukas pa rin ang pintuan ng art gallery mo para sa akin. Interesado talaga ako sa painting na 'yon." Sabi ni Darwin. "Sorry ho. Kailangan na ho magpahinga ng aming amo. Pasensya na kayo Mister Hendrickson." Sabi ng isa sa mga bodyguards ni Aurora. Si Stefano naman ay nakamasid lang mula sa isang sulok. Ito ang plano nila. Hindi siya makikialam sa kung ano man ang plano ni Aurora. Hindi na lumingon pa si Aurora. Nagmamadali na lamang itong pumasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumitibok ang kanyang puso, pero hindi dahil sa mahal pa niya si Darwin. Her chest tightened with each rapid beat of her heart, and anger burning through her veins as she faced the man who had once meant more to her than he would ever know, pero ang lalaking 'yon ang gumuho ng mundo niya... ang lalaking minsan ay naging parte ng buhay niya. Pagkasara ng pintuan ng kanyang opisina ay napasandal siya sa likod ng pinto, nakatitig sa tatlo niyang kaibigan. "Okay ka lang?" Tanong ni Pie. Tumango naman siya. "Akala ko ba ay paiibigin mo si Darwin para makaganti ka? Bakit ipinaramdam mo ang galit mo sa kanya?" Tanong ni Mary Grace. Bahagyang napayuko ng ulo si Aurora. Ngumiti ng mapait at saka nagbuga ng hangin. Marahas, parang inilalabas ang galit na inipon niya sa kanyang dibdib. "I will. Hindi ko lang talaga napigilan ang galit ko kanina. Pero mas okay na rin siguro ito. Medyo magpa hard to get ako para naman hindi ako magmukhang cheap. Pahahabulin ko siya sa akin. Alam ko na may interes siya sa akin, nakita ko kanina sa mga mata niya. At kapag baliw na baliw na siya sa akin... matitikman na niya ang lupit ng higanti ko. Duon ko sasabihin sa kanya kung sino talaga ako at saka ko siya iiwanan." Sagot niya. Muli itong humugot ng malalim na paghinga at saka siya napangiti sa kanyang mga kaibigan. "Okay. Mag-iingat ka lang. Baka sa gagawin mong paghihiganti ay ikaw ang mahulog sa sarili mong bitag." Sabi naman ni Jo Ann. Hindi na kumibo pa si Aurora. Naglakad na lamang ito at nagpunta sa kanyang swivel chair. Pagkaupo niya ay tinitigan niya ang mga photos na nasa ibabaw ng kanyang desk. Mga larawan ito ng kanyang mga paintings na kinuhanan kaninang umaga ng photographer na kinuha nila. ╰┈➤ Si Darwin naman ay inaya ng umalis nila Rouge. Wala na rin naman si Aurora at hindi na ito mag-e-entertain pa ng mga customers sa art gallery nito. Hindi nagtagal ay nasa penthouse na si Darwin. Nakatayo at nakaharap sa kanyang pool. Ang isang kamay niya ay may hawak na kopita na may lamang alak, at ang isang kamay ay nakapamulsa. Iniisip niya si Aurora. Iniisip niya kung nagkita na ba sila nuon ni Aurora. May kung anong ibinubulong ang kanyang isipan, pero hindi naman niya ito mapangalanan. "Sino ka ba talaga Aurora? Bakit ginugulo mo ang isipan ko? Bakit tumitibok ng ganito ang puso ko kapag napapalapit ka sa akin? Nakamaskara ka pa lang nuon ay ganito na ang nararamdaman ko, kaya nuon pa lang, naiinis na ako sa'yo." Bulong niya. Pagkatapos ay iniisang tungga niya ang laman ng kanyang kopita. "Sir, nandito ho si Sir Dex." Wika ng kasambahay niya. Lumingon si Darwin. Ipinatong sa bilog na babasaging table ang hawak niyang kopita at nagmamadaling nagtungo sa living room. "There you are! Tara uminom tayo sa paborito nating bar." Sabi ni Dex. Natawa naman si Darwin, pero tumango ito. Kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at saka tinapik sa balikat ang matalik niyang kaibigan. "Buti naman at nag-aya ka. Mag-isa lang akong umiinom dito." Sabi niya. Natawa ng mahina si Dex at binigyan ng bro hug si Darwin. "Manang, sabihan mo ang driver ko na ipagmamaneho niya kami ngayong gabi." Maawtoridad na utos ni Darwin. Agad namang tumalima ang kanyang kasambahay at tinawagan niya ang driver sa telepono. "Sa sasakyan ko na lang ikaw sumakay para kung malasing man tayo ay may mag-uuwi sa atin. Hindi naman tayo iiwanan ng driver ko hangga't hindi tayo natatapos." Wika ni Darwin. "Well, iyan talaga ang plano ko dahil magpapakalasing tayo ngayong gabi." Sabi ni Dex. Natawa na lang tuloy si Darwin. "Sir, nasa ibaba na ho si Damian at hinihintay na ho niya kayo." "Let's go." Sabi ni Dex. Pumasok na sila ni Darwin sa private elevator at saka sila dinala nito pababa ng basement parking. Pagbukas muli ng elevator ay dumiretso na sila sa sasakyang naghihintay sa kanila. And as part of his daily routine, Darwin was always followed by a team of bodyguards. They stayed close enough to react if needed, but kept their distance, never approaching him unless the situation called for it. Their job was to protect... quietly, efficiently, and without disrupting his day. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isang high end bar. Pagbukas pa lang ng entrance door ay ingay na agad ng mga taong nag-uusap at malakas na musika ang sumalubong sa kanila. Agad silang nakilala ng mga taong nanduon, lalo na ang manager ng bar at agad silang nilapitan. "This way, sir." Sabi ng manager ng bar. Malaki ang pagkakangiti nito dahil nasa bar na naman nila ang isang Hendrickson. Iginiya nito ang magkaibigan sa isang vip area na laging naka-reserve sa mga Hendrickson. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila, at ang mga kababaihan ay nagtitilian pa. "Vodka. Your finest bottle." Sabi ni Darwin. Ang laki naman ng ngisi ng manager at agad na inutusan ang isang waiter na nakatayo lang sa gilid ng table. "Is there anything else you need, sir?" Tanong ng manager, magalang ang boses nito. "No, we're good. Leave us," Darwin said with authority. Nang silang dalawa na lang sa table ay ilang babae ang nagnanais na makalapit sa kanila, pero ang mga bodyguards ni Darwin na laging nakasunod sa kanya ay pinipigilan ang mga ito. "Yung dalawang sexy at maganda na 'yan. Hayaan mong makalapit sa amin." Malakas na sabi ni Dex, kaya natatawa na lang sa kanya si Darwin. Nagmamadali namang lumalapit ang dalawang babae, at katulad nga ng sinabi ni Dex ay talagang magaganda at sexy ang dalawang babae. Kung titignan silang dalawa ay parang mga modelo ang datingan ng mga ito. "Hi, I'm Claire, and this is my friend Kendra." Malanding pagpapakilala ng babaeng nagngangalang Claire at agad itong tumabi kay Darwin. Ang isa naman ay agad na tumabi kay Dex. "Hindi na tayo malulungkot ngayong gabi dahil may magpapaligaya na sa ating dalawa." Sabi ni Dex kaya natatawa sa kanya si Darwin. "How old are you?" Tanong ni Darwin sa babaeng katabi niya. "Twenty-four. Single. And open to.... possibilities. You know?" She murmured, letting the words hang in the air between them as she gave Darwin a slow, knowing smile kaya natawa si Darwin ng may kalakasan. "Really?" Natatawang sagot na patanong ni Darwin. "Yes. Anything you want." Sagot nito kaya muling natawa si Darwin. Magsasalita pa sana ito pero agad siyang hinalikan ng babae sa tainga niya. Nagulat man siya ay hindi naman niya ito pinigilan. "Mukhang aggressive ang napunta sa'yo." Sabi ni Dex. Muling umugong ang malakas na ingay sa loob ng bar ng may mga nagpasukan sa loob. Napatingin sila Darwin at ganuon na lang ang gulat niya ng makita niya na sila Aurora at tatlong babae ang kasama nito. Kasama din ng mga ito ang maraming bodyguards na laging nakasunod sa kanila. Napatingin sa VIP area sila Aurora, at tumaas ang kilay niya ng makita niya sa isang sulok ng VIP area si Darwin na may kasamang babae na halos pumatong na sa binata. Dinidilaan pa rin nito ang tainga ni Darwin habang ang isang kamay ay nakahimas sa dibdib ng binata. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Darwin, pagkatapos ay bahagyang itinulak ang babae palayo sa kanya at saka ito tumayo. Naglakad ito at nilapitan sai Aurora. "Join us." Sabi niya. "No, thanks. May mga kasama pa kami na hinihintay lang namin. Thanks though." Sagot ni Aurora, pagkatapos ay tinalikuran na niya si Darwin. Nakangisi naman si Darwin na bumalik sa table nila ni Dex. Hinila ang babae na katabi niya at saka niya ito inakbayan habang nakatitig kay Aurora. "I think she's jealous. Tinaasan niya ako ng isang kilay ng makita niya na may katabi akong babae." Sabi niya kay Dex. "Dream on, bro. She doesn’t look like she cares. I don’t think she does. Honestly, it looks more like disgust." Pang-aasar ni Dex kaya inis niya itong sinipa sa ilalim ng table. Tawa naman ng tawa ng malakas si Dex kaya muli nilang nakuha ang atensyon ni Aurora. Mas lalo tuloy hinigpitan ni Darwin ang pagkakaakbay niya kay Claire, pero wala siyang interest na kahit na ano sa babaeng katabi niya. Ginagamit lamang niya ito upang asarin si Aurora. Pakiramdam kasi niya ay hindi nito nagustuhan na makitang may dumidila sa tainga niya. Sa tingin niya ay nagseselos si Aurora. "Bro, maniwala ka sa akin. Hindi 'yan nagseselos. Mukhang nandidiri lang sa ginawa sa'yo ng katabi mo." Muling sabi ni Dex. Hindi na kumibo pa si Darwin. Nakatitig lamang siya kay Aurora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD