◄Darwin's POV► Titig na titig ako sa larawan ni Aurora, para bang hinuhukay ko ang bawat hibla ng kanyang pagkatao gamit lang ang mga mata ko na nakatitig sa kanyang larawan. Hindi ko maiwasang mag-isip dahil may mga boses na bumubulong sa akin na kilala ko si Aurora Molino. Kunot na kunot na ang noo ko habang pinagmamasdan kong mabuti ang bawat detalye ng mukha niya... mula sa hugis ng kanyang mga mata, sa magandang kutis ng kanyang pisngi, hanggang sa hugis ng kanyang labi at ang kanyang matangos na ilong. Hindi ko maintindihan, pero habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa larawan niya sa aking phone, lalong lumalakas ang kutob ko. "Nakita na kita dati Aurora. Alam ko at nararamdaman ko na ikaw 'yan. Aurora... Aurora... damn it, Aurora. Is that really you? Or is my mind just messing w

