◄Darwin's POV► Maraming bagay dito sa mundo ang akala ko ay nauunawaan ko na, pero akala ko lang pala iyon. Ngayon ko natutuklasan na hindi pala lahat ng pag-ibig ay dapat na ipaglaban. Kung minsan, mas makabubuti kung matututo tayong magpalaya. Mula nang magkausap kami ng mga pinsan ko, pilit nilang itinatatak sa isipan ko na dapat ay matatag lang ako, na hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. Dapat ipakita ko sa kanila na kung kaya nilang saktan at paglaruan ang damdamin ko, dapat ay kaya ko rin silang saktan. Dapat ipakita ko na hindi ako basta-basta magpapakalunod sa kalungkutan. I've been there, I've done that. Kaya dapat ay mas matapan na ako pagdating sa kabiguan. If someone asks me if I still love Aurora, I have to be honest... yes, I do. I probably always will. I can’t just t

