┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang, gising na si Aurora. Habang ang karamihan ay mahimbing pa ang tulog, siya naman ay abala na sa kusina, tahimik na naghahanda ng agahan. The smell of garlic and eggs filled the air, pero kahit gaano pa kabango ang niluluto niya, hindi iyon sapat para tabunan ang bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib. Habang nasa kusina siya, bawat luto niya ng itlog, pilit niyang inaalis sa isipan si Darwin. Iniisip niya na maybe if she keeps herself busy, mawawala rin si Darwin sa sistema niya. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalo lamang siyang nasasaktan. Minsan, bigla na lang siyang mapapahinto sa ginagawa niya dahil may mga sandaling napapapikit siya at naiimagine na muli silang magkausap, magkasama, nagkakatinginan at... at hinahalikan ni Darwin. Hindi man ni

