Chapter 30 -Aurora-

2349 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang araw na rin ang lumipas simula nung huling beses na nagkaharap at muling nagtalo si Darwin at ang kanyang ina. Nang tinawagan siya ng kanyang ama ng araw na 'yon ay hindi naman siya nagpunta, at sa halip ay umalis siya kasama ang kanyang mga pinsan. Ilang beses siyang tinawagan ng kanyang ama ng araw na 'yon, pero umiiwas siya dahil ayaw pa niyang makaharap ang kanyang ina at baka pareho silang sumabog sa sobrang galit. Nagpalipas siya ng ilang araw, bago niya tinawagan ang kanyang ama upang sabihin dito na handa na siyang makipag-usap sa kanila. Hindi pa nawawala ang galit niya sa kanyang ina, pero humupa na ang matinding tensyon na nararamdaman niya. Ngayong araw pa lang siya nagdesisyon na pumunta sa mansyon ng kanyang mga magulang. Muli silang nagkaharap ng kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD