┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Tungkol saan ang pag-uusapan natin dad? Kasama ko pa sila Dazzle, may pinag-uusapan kami tungkol sa negosyo." Sabi ni Darwin. Kausap niya ang kanyang ama sa telepono. Nararamdaman niya ang frustrations sa boses ng kanyang ama, pero naiintindihan niya. Nasaktan niya ang damdamin ng kanyang ina kanina, pero dahil nasagad na siya ng tuluyan kaya niya 'yon nagawa. "We need to talk, Darwin. Hihintayin kita ngayon dito sa mansyon. Gusto kong marinig ang iyong paliwanag." Sa tono ng boses ng kanyang ama ay galit ito. Pero alam din niya mauunawaan siya ng kanyang ama kapag nagpaliwanag na siya dito. "Sure dad. After ng pinag-uusapan namin ngayon dito ay darating ako. Pero kasisimula pa lang namin dito, kaya medyo late akong makakarating diyan mamaya." Sagot niya. Narinig niya a

