Hindi lubos maisip ni Isabelle ang kinahinatnan ng kanyang kahilingan. Bukod doon ay hindi siya makapaniwala kung paanong buhay siyang muli. Ang alaalang una niyang naisip ng siya'y magmulat ng mata ay alam niyang hindi kanya. At ang taong tumawag sakanya na anak ay hindi niya kilala pero parang malapit ito sa puso niya.
Nanatili lamang siyang nakapikit kahit gising na siya. Hindi parin natatapos ang maingay na kasiyahan sa labas ng kanilang bahay.
Masayang nagsasayaw ang mga kababaihan sa gitna ng kahoy na may apoy habang nag gigitara naman ang mga kalalakihan. May ilang kumakanta pa kaya naririnig niya ang mga ito.
Hindi na siya nakatiis na makinig lamang kung kaya't bumangon siya para silipin sa bintana ang nasa ibaba. Namangha siya sa nag gagandahang mga bulaklak na nakapaligid na siyang nasisinagan ng liwanag ng buwan. Kay ganda tingnan ng mga ito at para itong mga nagliliwanag dahil sa kulay nitong dilaw. Mabini ang ihip ng hangin ng gabing 'yon. Naririnig niya din mula sa baba hanggang taas ang kuwentuhan ng mga ito patungkol sa kultura ng mga taga Benguet.
At ang pagbabahagi ng mga ito tungkol sa iba't ibang uri ng delicacies na kanilang natikman at ginawa para lamang sa pagdiriwang ng festival.
Sa ilalim ng puno ng mangga malapit sa maliit na palaisdaan nandoon ang isang dalagang may kausap na Ginoo. Nakatalikod ang mga ito. At batid niyang ito ay may lihim na relasyon.
Naibalik niya nalang ang kanyang tingin sa maingay na mahabang lamesa kung saan nandoon ang iba't ibang putahe ng ulam at pagkain. May mga nainom doon ng Benguet coffee na siyang pangunahing kape ng naturang lugar.
Kumalma siya sakanyang natatanaw sandali. Pero bumalik ang kanyang kaba ng marinig ang tatlong sunod sunod na katok mula sa pinto ng silid.
Toktoktok
"Señorita Luna, gising na po ba kayo? Señorita? Tawag kayo ng inyong ama para makihalubilo sakanila sa baba at para na rin kumain ng hapunan."sabi ng sa tingin niya ay kasambahay. Hindi ito tumigil sa kakatok hangga't hindi niya pagbubuksan. Kaya makailang beses siyang huminga ng malalim. Kahit alam niyang hindi siya ang Luna na tinutukoy ng mga ito.
Kung nasa kanilang mansion lamang siya ay siguradong pinagmumura niya na ang kasambahay na walang humpay na kumakatok sakanyang pintuan. Napairap siya ng wala sa oras.
Hindi lingid sakanyang kaalaman na nasa taong 1900s siya. Kung saan ang mga Amerikano na ang namumuno sa buong Benguet Province kung saan siya kabilang.
Ang mga nandoon ay naimpluwensyahan na ng mga kastila ng marating ito at matagpuan ang kapatagan ng benguet. At ngayong taon na ito nasakop na ng mga Amerikano ang buong lugar.
Pala kaibigan ang mga Amerikano, may ilan sakanilang mabait at meron ding malupit. Higit salahat napakababaero ng mga ito. Kaliwa't kanan ang babaeng nakakasiping at nakakahalikan. Walang pinipiling lugar kung saan sila gagawa ng kababalaghan. Hindi alintana ang mapanghusgang mga mata ng iba.
Habang pababa siya ng hagdan ay hindi niya mapigilang mamangha sa disenyo ng bahay. Talagang maganda ang bawat sulok at kagamitan na naroon. At halata mong antigo at ginto na kung ibebenta ay malaking halaga.
Bihirang bihira lamang ang mga 'yon sa lugar na kanyang kinalakihan.
May ilan silang kasambahay na nakakasalubong. Humihinto ang mga ito at sabay sabay na yumuyuko. Hindi agad naalis hangga't hindi siya nakakalayo. Tanda ng kanilang pag galang.
Nasa likod niya lamang ang tagapagsilbi na kumatok sakanyang tinutuluyang silid. At hindi parin ito naayos ng tindig. Nakayuko ito habang naglalakad.
Lumabas siya ng bahay at sumalubong sakanya ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Sadyang malamig ngayon dahil sa buwan. Marahan siyang naglakad papunta sa kumpulan ng mga tao. Hindi makapaniwala ang itsura ng mga ito ng siya'y lingunin.
"Finally, My beloved daughter, Luna is here."
Sinalubong siya ng yakap ng isang babaeng mestiza na sa tingin niya ay nasa edad na apatnapu pataas. Kulay ginto ang buhok nito gaya ng sakanya at may asul na mga mata. Agad din siyang nilapitan ng iba pang tao doon para kamustahin.
Doon niya muling naalala ang pagkakahulog niya sa hagdan na alam niyang hindi siya kundi yung Luna.
Puro mga Amerikano at Amerikana ang nandoon. May ilang kastila pero iilan lamang dahil alam nating magkalaban ang bawat lahi. May mga mangyan din, ifugao at ilang indio na tinuturing na mababang uri ng tao ng mga mananakop.
"How's your feeling? Are you okay? Honey."ang boses ng babaeng kumakausap sakanya ay mababakasan ng American accent.
Marahan siyang tumango saka sumagot. "I'm fine.."tipid niyang saad. Hindi niya lubos maisip na nasa ganito siyang sitwasyon. Gustuhin man niyang maghisterical pero hindi niya magawa. Kailangan niyang malaman kung ano ang ginagawa niya dito. Saka hindi siya pamilyar sa nangyayari dito.
Paulit ulit niyang tinatanong ang sarili.
Kung anong gagawin niya ngayong nabubuhay siya sa lugar kung saan hindi niya alam kung anong kaganapan.
Hindi niya alintana na dinala siya ng kanyang dalwang pares na paa sa maliit na palaisdaan. Wala na rito ang dalwang taong nakita niya kanina mula sa taas.
Maganda ang sikat ng buwan sa taas na nagbibigay liwanag ngayon sa tubig kung kaya't kitang kita niya ang mga gold fish at igat na malayang naglalangoy sa ibabang bahagi ng katubigan. Kasama nito ang mga bangus at tilapia na nagpapabalik balik sa bawat parte ng palaisdaan.
Nanatili siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang malawak na kapatagan bago ang mga burol na makikita sa malayo. Madilim ang parteng 'yon. Walang ilaw o street light na makikita. Tanging kadiliman lamang. Laking pasasalamat ng mga tao roon ang pagkakaroon ng buwan tuwing sasapit ang gabi dahil dito sila nakuha ng liwanag.
Hindi pa ganoong kaayos ang Benguet kaya doon siya napaisip.
Hanggang sa may isang matandang babaeng nakasuot ng kasuotan na meron ang mga ifugao, may hawak itong tungkod. Napalingon siya dito ng sandaling hawakan siya nito.
"Ang 'yong kahilingan ay binigyang katuparan ng maykapal. Ang paghahangad mo ng buhay nang ika'y nasa bingit ng kamatayan ay isinakatuparan. Subalit.. Ikaw na makasalanan ay siyang kailangang magbayad sa 'yong mga nagawa. Kaya narito ka sa taong 1900s para matuto, magbago at magpahalaga."natulala lamang ako sa matanda habang siya'y nagsasalita. Nakakakilabot ang kanyang tinig kahit na malumanay ito. Nanindig ang aking balahibo sa kabila ng kanyang pananahimik.
Unti unting pinproseso ng aking isip ang kanyang sinabi. Huminga siya ng malalim bago tumingin sakin at ibaling itong muli sa malawak na kapatagan pagkatapos ng maliit na palaisdaan.
"ang hindi nakakaalala sa nakaraan ay nahatulang mag uulit nito. Kaya nandito ka sa Sitio Pungayan na kilala bilang Sitio La Presa.."aniya at muling tumingin sa aking mga nagugulumihang mata.
"Ang Sitio La Presa ay may kaakibat na kaparusahan. Dahil ang ibig sabihin ng La Presa ay La Parusa..at ikaw Isabelle Galvey na nagmula sa modernong panahon ay hinahatulan ng habang buhay na pagkakakulong sa Sitiong ito hanggang sa 'yong huling hininga para pagsisihan at pagbayaran ang 'yong kamalian o kasalanan.."nanginginig ang buong sistema ko sa huli niyang sinabi. Sabihin na nating sa lahat ng kanyang sinabi.
Hindi ko akalain.. na totoo ang mga nababasa kong kuwento. Hindi ko akalain na maari pala itong mangyari sa tunay na buhay.
At hindi ko akalain na nandito ako ngayon.
Gaya ng aking kahilingan na mabuhay ay may kaakibat na pagbabayad sa kaparusahan.
Wala na akong magagawa kaya minabuti ko nalang tanggapin ang aking kapalaran..
Gusto kong magtanong sakanya. Marami akong katanungang bumabagabag sa'king isipan subalit. Nawalan na ako ng lakas magsalita. Tuluyan ng nanghina ang aking mga tuhod at napaluhod.
"ang kapalit ng 'yong kahilingan ay ang pagkamatay ng babaeng nagmamay ari ng katawang iyong ginagamit. Iisa kayo subalit magkaibang magkaiba kayo dahil siya ay may busilak na puso na walang sinumang makakapantay. Kahit na mismo ang kanyang kakambal.."nagtuloy tuloy ang luha sa aking pisngi pababa. Mas lalo akong nagimbal sa huli niyang tinuran. Kakambal? Pinilit kong tumayo. At naglakas loob magsalita kahit na nahihirapan ako.
"Sino na ako ngayon? Sino ang aking kakambal? At ang aking mga magulang?"nagsusumamo ang aking tinig kung kaya't siya'y nagsalita.
"ikaw ay si Luna Baitan..ang 'yong kakambal ay si Blanca. Meron kayong nakatatandang kapatid na babae at ang 'yong ama at ina ay si Don Alfredo at Doña Susana.."nagpunas ako ng luha at ng sandaling mapahidan ko na ang aking pisngi kasabay non ang marahang pag ihip ng hangin. Wala na ang matanda. Naiwan na akong mag isa.
Nanlamig ako bigla. Kaya napayakap ako sa aking sarili. I sighed.