Maagang sumilay si haring araw ng mag huwebes ng umaga. Maka ilang beses tumilaok ang tandang na manok sa labas. Bahagyang nakahawi ang bintana kaya tumama ang sikat ng araw sa aking mata. Panibagong umaga, panibagong buhay. Naririnig ko na ang mga mabibilis na yabag ng mga kasambahay at muka silang mga nagmamadali. Hindi ko alam kung bakit pero nasisigurado kong may kaganapan ngayon kaya ganoon. Nakatulog ako agad kagabi ng magtungo ako sa aking bagong silid. At kung ano anong alaala ang aking nakita sa panaginip. Mga alaalang pagmamay ari ni Luna na ngayon ay ako na. Isang katok ang agad pumukaw ng aking atensyon. Bumangon ako agad at sandaling tumitig sa salamin. Ako parin ito, yun nga lang mas nadepina ang kulay ng aking buhok at muka. Bagay na alam kong mula kay Luna at sa lah

