Chapter 18 Tatlong araw na ang lumipas ng dalhin siya ni Garrix sa isla. Tatlong araw na rin niya itong hindi nakikita. Kinidnap siya nito tapos iiwan siya nito rito ng hindi man lang nagpaalam? Ha! Siraulo talaga! Pagkatapos niyang kumain ay padabog na tumayo siya dahilan para matumba ang silya. Nilingon siya ni Manang Gloria. Ngumiti ito sa kanya. Napakabait talaga nito, nahihiya tuloy siya rito. "Tatakas ka na naman ba? Baka may mga mababangis na hayop sa kagubatan, wala pa naman dito si Sir. Walang magliligtas sayo." Umiling siya. "Hindi na po ako tatakas. Uhm, ma-maglilibot-libot nalang po muna ako. Salamat sa masarap na pagkain." Tumango ito. "Walang anuman." Tinalikuran niya ang matanda at lumabas ng kusina. Nabobored na siya rito at saka nag-aalala siya kay Isabel. Wala naman

