WARNING! SPG ALERT! Chapter 19 Nagkalat ang mga papel sa carpet ng living room ng kanyang penthouse. Lahat ng iyon ay mga resulta ng test na ginawa sa gamot na iniinom ni Ysabella. Sa limang test ay apat ang magkapareho ang resulta. Ang unang resulta ay may nakahalong X drug sa gamot. Sa apat na resulta naman ay wala. Normal na gamot lang iyon para sa hypertension. Ibig sabihin ay may nagmanipula ng unang resulta at alam na niya kung sino ang may gawa niyon. Tinunga niya ang bote ng Vodka at tiningnan ang resulta sa ginawang test ni 011 noong nakaraang araw kay Ysabella. No traces of bullets and operation. Pero may peklat ito sa dibdib na para bang may tama iyon ng baril. Ano ang ibig sabihin nito? Did this mom planned all this? To confuse him? Bakit hindi nito tinuluyan si Ysabella? Wa

