"Pwede ba tayong mag usap mamayang uwian?"Si Rebeca habang kausap niya sa telepono ang kasintahan.Tinugon naman siya ng lalaki. Nagpapasalamat nalang siya na kahit papano ay wala pang tumatawag sa kanila galing sa ibat ibang bangko. Ilang araw na siyang nababahala sa mga ito kung ano ang isasagot niya.Nagtataka man kaninang pagtawag niya si Leonard ay umo-o naman agad ang lalaki.Siya namang pagbukas ng pinto.Si Devon na may mga bitbit na pagkain na mga nakabalot pa. "Anong ginagawa mo rito???" Nagulat si Rebeca dahil bigla na lamang sumusulpot ang lalaki, lalo na sa mga panahong hindi niya inaasahan."Pinagdala kita ng pagkain.Alam kong kanina kapa hindi kumakain" "Bakit mo ginagawa ito?" Hindi ito kumibo sa tanong niya bagkos ay Inilapag lamang nito sa kanyang table ang mga pagk

