Kahit hirap na hirap bumangon si Rebeca kaninang umaga aypinilit niya paring pumasok.Magdamag na hindi tumawag si Leonard.Nahihirapan man sa kanyang nararamdaman para rito, ay nakahinga na- man siya ng maluwag dahil sa nangyaring hindi maiiwasang pagbubulgar na matagal na niyang kini- kimkim.Galit na galit siya kay Devon dahil sa pinangu- nahan siya nito.Naglilibot siya sa packaging depart- ment ng masalubong niya ang taong pinaka ayaw niya ng makita.Ang magaling na lalaki'y papunta ngayon sa kinaroroonan nya,Ano nanaman ang ginagawa ng la-laki rito?may gana pa talaga itong magpakita sa kanya matapos ang lahat ng ginawa nito sa kanila. "Can we talk?"Hindi iyon sinagot ni Rebeca bagkos ay nilagpasan nya lang ito at nagtuloy tuloy siya papasok sa kanyang opisina.Sinundan naman siya

