CHAPTER 5

2014 Words
• Eya • At first, I thought finding a part time job is an easy thing to do especially when you're a student like me who needs it very much. But f**k this mindset! Ilang oras na ang lumipas at wala pa rin akong mahanap na trabahong pwedeng mag part-time dahil maliban sa regular ang gusto nila, eh puno naman yung iba. Hindi ko inaakala na ganito pala talaga kahirap maghanap ng trabaho lalo na sa mga estudyante na katulad ko. I really salute those people who can manage to walk all around the whole city of manila under the sun just to find a job in a whole f*****g day without giving up. Mamamatay nga yata ako ng maaga kung ako. Halos sumuko na nga ako na ilang oras pa lang naghahanap ng pwedeng pag-part-time-an. Nakakapagod kayang maglakad sa ilalim ng mainit at tirik na tirik na araw. Tiningnan ko ang relong pambisig ko at nakitang mag-aalas kwatro na pala ng hapon. Takte! Mag-aalas kwatro na pero mainit pa rin. Mag-aapat na oras na rin akong naglalakad pero wala pa rin akong mahanap. Ano ba naman yan. Siguro hindi lang ako swerte sa araw na ito. Sa weekend ko na lang siguro ipagpapatuloy ang paghahanap baka sakaling may matiyempuhan ako kahit waitress o kargador ay papatulan ko. Kailangan kong kumayod para sa pang-araw-araw kong gastusin sa bahay at sa school. Papara na sana ako ng tricycle para umuwi sa bahay at magpahinga nang may babaeng bigla na lang lumapit sa akin. She's cute wearing a maid outfit pero nawiwirduhan lang ako dahil wala naman kami sa Japan para magsuot ng ganyang klaseng damit. O baka naman may cosplay competition dito? Pero impossible naman dahil may dala dala siyang poster. Baka may concert? "Hello Miss. Naghahanap ka ba ng part-time job?" tanong nito sa akin na ikinakunot noo ko at tumango lang bilang sagot. Wait, manghuhula ba siya? How did she know? "Oo, bakit?" tanong ko. Ngumiti naman s'ya sa akin saka s'ya nag-abot sa akin ng isang poster. Yung maliit na poster na ibinibigay ng mga taong nagrerecruit ng mga employees? Ganern. Inabot ko naman sa kaniya iyon at saka pinagkakatitigan ang nakasulat. "Wanted part-timeegular waitress in Mikasa Latte. Regular: 7:00am-7:00pm Part-time: 4:30pm-7:00pm Salary: Regular: 6,000/15days Part-time: 3,000/15days Call: 09554300000 Thank you!" "Naghahanap kami ng regular or part-time waitress, baka interesado kang mag-apply, tawagan mo na lang ang number na nariyan. Wag kang mag-alala, hindi naman ito scam. Urgent lang kasi talaga yan dahil dumarami ang customers at—" "Mag-aapply ako," putol ko sa mahabang litanya nito na ikinatigil naman niya. "Mag-aapply ako as part-time." "Ngayon na?" paninigurado n'ya. Tumango naman ako bilang sagot na ikinangiti naman n'ya ng matamis. "Okay, tara sa Mikasa Latte." Nauna na siyang maglakad kaya sumunod naman ako. I took a deep breath as I composed myself while following her. After a few minutes ay tumigil na agad kami sa isang hindi ordinaryong coffee shop hashtag kainan na feeling ko talaga ay ngayon ko lang nakita dito sa pilipinas. I was really amaze on the ambiance of this place. This Mikasa Latte surrounds a different kinds of roses that represents as an attraction for the costumers. The waitresses are wearing a maid costume just like what this girl I am with. Damn! Para akong nasa anime! "Welcome to Mikasa Latte!" masayang untag n'ya saka ako hinila papasok. Pagkarating namin sa office ng may-ari ay abot-abot ang kaba ang naramdaman ko. Paano ba naman, may interrogation pa pa lang magaganap bago sila mag de-desisyong ipasok ako o hindi. Sana pala tinanong ko muna s'ya kanina nang makapaghanda naman ako ng isasagot ko kahit papaano. Jusko, baka mangamote ako. "Miss, may mag-aapply po pala ng trabaho. Part-time job po," sambit nung babaeng nagdala sa akin dito saka ako hinila palapit sa kaniya at ipinaharap sa may-ari. Kahit kinakabahan ako ay hindi ko naman maitatangging maganda s'ya at feeling ko'y bata pa, parang nasa mga mid 20's pa lang s'ya or so. "You are?" tanong ng may-ari sa akin na nakangiti. Pero kahit nakangiti siya ay hindi pa rin nahinto sa paghuhuramentado ang puso ko dahil sa kaba. She looks friendly and approachable. But looks can be deceiving right? "Megumi Aleah Inoue po, Ma'am," magalang kong sagot while preventing myself from stuttering. Jusko, yung puso ko! Siguro nga tama sina Cassidy at Patty, babawas -bawasan ko na ang pag-inom ng kape. Baka sa sobrang nerbyos lang yata ako mamamatay ng maaga. "Do you have your resume with you?" tanong nito na ikinatango ko bilang sagot, saka ko iniabot sa kaniya ang envelop na kanina ko pa dala-dala. Bago ako naghanap ng trabaho kanina ay nagpaprint muna ako ng resume ko at bumili ng envelop para hindi madumihan. Mabuti nang handa. "Megumi Aleah Inoue, 20 years old, pure Japanese?" takang tanong nito at bahagya pa akong tiningnan sa mukha ng mabuti na para bang mahahanap n'ya sa mukha ko ang sagot. Hindi ba ako mukhang hapon? Baka nga ampon lang ako? Tapos anak pala ako ng isang magsasaka at pinambayad lang ako dahil nagkautang sila ng malaki sa pamilya ko? Posible ba yun? "Yes ma'am," sagot ko na lang na ikinatango n'ya naman. "Really?" she asked once again which I nodded for a second time. Hindi ba talaga halata sa itsura ko? Hindi na nga ako nakasuot ng salamin, eh. "You're a pure Japanese but you're fluent in speaking Filipino language. If you don't mind, may I know if how many years did you stay here, hija?" tanong niya ulit. Mukha yatang interrogation room itong napasukan ko at hindi office room. "6 years na po, Ma'am," sagot ko naman ulit sa tanong niya at tipid na ngumiti. Tumango-tango naman siya. "Where are your parents? Kasama mo rin ba silang nanirahan dito?" tanong niya ulit na ikinailing ko naman. Anong klaseng job interview ba ito? Parang hindi naman ganito ang job interview na napag-aralan ko. Included ba ang background check sa job interviews? Hindi ba dapat ang itinatanong sa interviews, eh. Why did you choose this job? Why are you qualified? What are your capacities and such? "I was living alone since the day I stepped into this country Ma'am," sagot ko naman dito. "Oh, sorry for a lot of background questions about you. But, anyway... you're hired," nakangiti niyang sambit sa akin na ikinatigil ko. Teka sandali, nagpaprocess pa ang utak ko! "P-po?" tanong ko rito na ikinatawa na naman nito ng pagak. Feeling ko tuloy iniisip niya na mukha akong engot. Pasensya naman, baka kasi nabingi lang ako. "I said, you're hired. Tanggap ka na," she repeated while chuckling that made my eyes widened in surprised. Fuckining s**t! Tanggap na ako?! "Talaga po?!" hindi ko makapaniwalang tanong na ikinatango naman n'ya habang nakangiti. "Oh my gosh, Ma'am! Maraming salamat po!" masayang sambit ko saka nagbow sa kaniya ng ilang ulit. Mukha yatang may magandang dulot rin ang background check na nangyari. "You can start today if you want," sambit nito na ikinatango ko naman sa sobrang saya at excitement. "There are two available uniforms on the waitress locker room. Jillian, please lead her the way." Tumango naman si Jillian. "Tara?" yaya nito sa akin na ikinatango ko naman. Pero bago pa kami makalabas ng office ay lumingon ako ulit sa may-ari ng Mikasa Latte na pagtatrabahuan ko simula ngayon. "I'll do my best, Ma'am." I said as I bow once again before we leave her office with a very wide smile that written on my face. Gosh! I can't believe that I already have a part time job! I really felt ecstatic right now! Oo nga pala, ipapaalam ko ito kay Aki mamaya! Siguradong matutuwa yun! "Mabuti na lang at natanggap ka, ano?" biglang sambit ni Jillian sa akin na nakangiti habang naglalakad kami papasok ng waitress locker room. "Oo nga, eh," sagot ko naman sa kaniya habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko. "Nga pala megumi—" "Eya na lang," putol ko sa dapat ay sasabihin niya niya. "I prefer you to call me Eya. That's my nickname. Masyadong mahaba ang Megumi, eh." "Okay, Eya. Lian nablang din itawag mo sa akin," tumango naman ako bilang tugon. "Nga pala Eya, napansin ko kanina na kinakabahan ka habang kaharap si Ma'am Kiea, wag kang mag-alala mabait yun, sobra!" "Talaga? Hindi ka nagbibiro?" Malay mo naman pinaglololoko lang ako ng Lian na ito, mahirap na. "Bakit naman ako magbibiro? Matagal na kaya akong waitress dito. At s'ya mismo ang nagpapasok sa akin sa trabahong ito." My eyes widened in surprised. "Really? Wait, are you still studying? Well, I hope you don't mind me asking about that because as I can see, you look like in the same age as me." Baka nga mas bata pa s'ya sa akin dahil sa baby face niyang mukha eh, may katangkaran nga lang. Feeling ko tuloy ang unano ko sa height ko kumpara sa kaniya. Maganda rin s'ya, at may pagkamorena. "Hindi na ako nag-aaral and yes, magkaedad lang tayo. Kung tutuusin nga mas matanda ako sa iyo ng dalawang taon. 22 na ako." My jaw literally drop. Seryoso s'ya? 22 na s'ya, eh ang bata bata pa ng mukha n'ya! "You're kidding right?" I asked in disbelief but she just shook her head and smiled. "Oh, believe me I'm not," natatawa niyang sambit saka ako hinila papasok sa locker room ng mga waitress. "Dito ang locker mo," sabi niya saka binuksan ang locker na halos katapat lang ng pinto. "Nandiyan na rin sa loob ang uniform mo. Magpalit kana. Hihintayin na lang kita sa labas," sabi niya pa bago umalis at iniwan ako dito sa loob. Lumapit ako sa locker ko at nakita ko ang kaparehong uniform na suot ni Lian kanina rito na nakahanger. Inilagay ko na agad ang dala-dala kong sling bag sa loob ng locker as I remove my plain top shirt and jeans leaving myself in undies as I removed the hanger of my uniform and put them on. After kong makapagbihis ay tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin na nasa sulok ng locker room. Medyo hapit sa katawan ko ang uniform. Above the knee rin s'ya pero may medyas namang hanggang tuhod at itim na sapatos at malaking ribbon na head band to complete the waitress get up. Para talaga akong nasa anime. Ang cute ng damit, lalo na at may headband pa na mas nakakaagaw pansin dahil sa laki ng ribbon nito. Feeling ko tuloy ako si Misaki, yung bidang babae sa isang anime movie na Maid-sama. Ayiiee, sana may Usui rin ako katulad niya. Ang pogi kaya ni Usui Takumi. Nakakainlove ang yellow niyang buhok at green na mga mata! Jusko! Kinikilig ako ano ba! Matapos kong pasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin ay nagdesisyon na agad akong lumabas dahil kanina pa naghihintay si Lian sa labas. "Bagay sa'yo!" Puri n'ya agad nang makalabas ako ng locker room. "Salamat," tugon ko naman saka tipid na ngumiti. "Tara na. Heto—" inabot n'ya sa akin ang tray na may lamang pagkain. "—sa table 12 yan. Pakihatid na lang dahil may aasikasuhin pa ako sa kusina," utos n'ya. Tumango naman ako bago tinanggap ang tray at naglakad palabas ng quarters para hanapin ang table 12. Pagkalabas ko ay nilibot ko na agad ang paningin ko para hanapin ang table na nakadestino sa akin at hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang ito sa kinatatayuan ko. May isang taong naka-upo roon at mukhang naiinip na sa pagkaing inorder niya kaya agad naman akong lumapit rito at nilagay ang tray na may lamang pagkain sa table. "I'm sorry to keep you wait, Sir. Here's your order." I said as I flash a sweet smile but it's suddenly vanished when he averted his gaze at me as our eyes met. Oh my goodness! Anong ginagawa ng hukluban dito?! "Miss nerdy playing hard to get?" he spatted in disbelief as his eyes widely opened. Gosh! This can't be happening! "Zayden." Takte naman! Pati ba naman dito sa pagtatrabahuan ko ay meron s'ya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD