Kabanata 9

1746 Words
SA KABILA ng sama ng pakiramdam ni Kathlyn ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting saya. Rancho didn't go to the office to take care of her. Kahit na bumalik na mula sa day-off ang kasama nila sa bahay ay nanatili ito sa kanyang tabi upang ito ang mag-alaga sa kanya. She watched Rancho while still laying on the bed. Nasa veranda ng kanilang silid ang asawa niya't kausap sa video call ang mga tauhan nito sa opisina. Mukhang mayroon itong binibilin sa mga ito dahil hindi na naman ito papasok ngayon. "No, I might come to the office on Monday. My wife is still recovering so I won't make it today. I expect everyone to do everything I just asked you to do," he said. Tila may mainit na palad na humaplos sa puso ni Kathlyn. Rancho called her "my wife". Alam naman niyang hindi niya dapat iyon bigyan gn kahulugan ngunit sa mga ganoong bagay na lamang siya kumakapit para mapasaya niya ang sarili niya. She's been miserable for years. Ayaw na niyang ipagkait sa sarili ang mga munting dahilan para maging maligaya siya kahit sa delusyon man lamang. Kathlyn pulled herself up. Maglalakad sana siya patungo ng banyo nang kaagad tumayo si Rancho upang lumapit sa kanya. Nagwala na naman tuloy ang kanyang puso lalo na nang alalayan siya nito na animo'y nag-aalala talaga ito sa kanya. "You should've called my attention," he said in a low voice. She flashed a faint smile at her husband. "Ayos lang naman ako. Malakas na ako at wala nang lagnat. Ayaw kitang istorbohin at mukhang importante ang pinag-uusapan ninyo." "I'm just giving them tasks while I'm not in the office," seryoso pa rin ang boses na sabi ni Rancho. "Hindi ka pa ba papasok? Baka nakakaabala na ako. Kaya ko na--" "I can work here," putol nito sa sinasabi niya bago nito inilapat ang likod ng palad sa kanyang noo. Hindi napigilan ni Kathlyn ang mapatitig sa mukha ni Rancho. She knows how good-looking her husband is. His bad boy aura makes him even more irresistible. But what makes him more appealing right now is the concern flickering in his wild eyes. Tila ba totoong may pakialam ito sa kanya. Na totoong nag-aalala ito sa kalagayan niya. She filled her lungs with enough air before she smiled at Rancho. "I'm gonna pee now. Y-You can . . . go out." "I've already seen everything," he said under his breath before he assisted her to wards the toilet. Namula pa siya dahil kung itrato siya nito ay para siyang baldado. Paano ay ito pa ang nag-angat ng nighties niya at akmang magbababa ng kanyang underwear! "K-Kaya ko na, Ran," agap niya bago niya ibinaba ang kanyang underwear at umihi. She saw his adam's apple bob up and down. Umalis ito sa kanyang harap at sumandal sa sink na tila hinihintay siya. Maya-maya ay narinig nila ang pag-alingawngaw ng phone nito. Rancho looked at her for a second before he finally stood up straight. "Wait here. I'm gonna get my phone," utos nito bago tuluyang umalis ng banyo. Hindi niya na lamang inintindi. She focused on peeing and cleaning herself. Katatapos lamang niya noong bumalik si Rancho sa banyo dala ang phone nito. He was talking to someone over the phone while assisting her back to bed. Halata sa tinig nito ang iritasyon na tila nabubwisit ito sa kausap. "Yes, I understand but my wife is sick. Imu-move lang naman ang meeting. What's the big fuss about it?" She looked at Rancho as soon as she reached the bed. Halatang sasabog na ito sa galit habang pinakikinggan ang kausap. His jaw was already clenching and the wrinkle on his forehead became more evident. "Well, f**k him," asik nito sa kausap. Kathlyn sighed. Nilunok niya ang kanyang inhibisyon at tuluyang hinawakan ang kamay ni Rancho. What she did caught his attention. Nabaling sa kanya ang tingin nito kaya medyo kinabahan siya. "R-Ran, if you have to go, it's okay. I'll just rest while you're in the office. I won't leave the bed, I promise," kabado niyang sabi. Rancho fell silent for a few moments. Maya-maya ay napapikit ito saka ito bumuntonghininga. "Tell him I'll be in the office in an hour," tila labag sa loob nitong sabi sa kausap. Nang maputol ang tawag ay pabalang nitong inilapag ang phone sa bedside table bago siya nito inalalayang mahiga sa kama. "Don't do anything stupid while I'm at the office. I'll be back as soon as possible." She forced a smile. "Okay." Rancho stared at her as if he didn't want to go. Maya-maya ay muli itong bumuntonghininga bago inayos ang comforter. Hindi na ito kumibo pa. He went to the bathroom and took a bath. He then got dressed and then went downstairs. Akala niya ay aalis na ito ngunit bumalik din ulit at may dala nang isang baso ng tubig. "Take your meds before I go," seryoso nitong sabi. Kathlyn just obliged. Pagkatapos niyang uminom ay inayos nito ulit ang comforter saka siya tiningnan. "Behave. Call me if you need anything," ani Rancho. Tumango na lamang siya't nginitian ito nang matipid. Halatang ayaw talaga nitong umalis ngunit dahil wala nang magawa ay tuluyan siyang iniwan. Kathlyn couldn't help but smile when Rancho finally left the room. Masaya ang puso niya dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraan. Para kasing may nagbago kay Rancho. Masungit pa rin ito ngunit magmula noong sinabi niyang naiintindihan niya kung bakit palagi siya nitong binibigyan ng bagay na makapagpapaasa sa kanya ay medyo lumambot ito pagdating sa kanya. Parang gusto na lamang yata niyang palagi siyang may sakit para hindi magbago ang asawa niya. She sighed and shook her head because of her thought. Ano ba naman iyong naiisip niya? Aabalahin pa niya ito para sa delusyon niya. Kathlyn just made herself comfortable in the bed. Niyakap niya ang isa pang unan saka siya pumikit. She tried to get some sleep. Ngunit sampung minuto pagkaalis ni Rancho ay nakarinig siya ng katok sa pinto. "Ma'am? Nandito ho ang tatay n'yo," dinig niyang sabi ng kasama nila sa bahay. She sat up. "Bukas po 'yan!" The door opened. Pumasok ang kanyang ama at sinabihan ang kasama nila sa bahay na iwan na muna sila. Isinara rin nito ang pinto bago ito lumakad palapit sa kanya. Kathlyn couldn't help but grip onto the comforter as she watched her dad walk towards her. She loves her daddy so much but there are a lot of things she hates and fears about him. "Hija, bakit hindi mo man lamang sinabi sa aking may sakit ka?" tanong nito nang makaupo sa gilid ng kama. Kath swallowed the lump forming in her throat before she forced a smile. "It's just fever, Dad. I didn't want to worry you." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Your house help said Rancho was the one taking care of you. Mukhang nakukuha mo na ang loob niya. Mabuti kung gano'n." Lumamlam ang mga mata ni Kathlyn. She's still wondering why her Dad did all that. Hindi naman talaga siya nagpakasal kay Rancho dahil kinumbinsi siya ni Rimael. Yes, Rimael tried to convince her because he knew she's in love with Rancho. Ngunit ang pinakadahilan ng pagpapakasal niya kay Rancho ay ang pagpupumilit ng kanyang ama. He said she needs to marry Rancho to help him. Kung bakit ay hindi niya alam. Hindi naman sinasabi ng tatay niya sa kanya. All she knows is that Rancho's dad agreed to the marriage because her dad has something valuable to give. Hindi lamang niya alam kung ano ang bagay na iyon. Hinawakan nito ang kamay niya't marahang piniga. "Bilisan mo ang pagpapaibig sa asawa mo, Kathlyn. Ilang taon na ang nasayang mo. May bali-balita na uuwi na ng San Marcelino si Demilyn Larazabal." Napakurap siya. "U-Uuwi? But she didn't have any families left in here." "Hindi ko alam kung saan pa kumuha ang babaeng iyon ng lakas ng loob para bumalik sa lugar na ito pero mas mabuti nang maging handa ka. Do whatever you can to make Rancho fall in love with you. Rancho is the most stubborn among the Santi Vlancos, but he is the easiest to use. Tama lang na siya ang pinakasalan mo." Napalunok si Kathlyn habang nakatitig sa malamig na mga mata ng kanyang ama. "U-Use? Bakit, Daddy? Ano ang . . . kailangan mo kay Rancho?" Basag itong ngumiti. "You will understand someday." "But you can tell me now--" "You will not understand it yet. You're still blinded by that stupid feelings you have for that Santi Vlanco." Hinaplos nito ng hinlalaki ang likod ng kanyang palad. "But you love Daddy more, don't you?" Nalunok na lamang niya ang sarili niyang laway habang binabalot ng takot ang kanyang puso. "Y-Yes, Daddy." "Good. That's my good girl. Now keep this conversation between the two of us. Dahil kung malaman ni Rancho ito ay sigurado akong hinding-hindi ka na niya mamahalin. You don't want him to run back to Demi, don't you?" Napaiwas na lamang siya ng tingin. "N-No . . ." labag sa loob niyang sagot. "Good girl, Kathlyn. Now make him fall before that Larazabal girl returns. Dahil oras na iwanan ka ni Rancho para sa babaeng iyon ay malilintikan ka na naman sa akin." Tuluyan itong tumayo at pinatakan ng halik ang tuktok ng kanyang ulo. Lumakad na rin ito patungo ng pinto at tuluyang lumabas ng silid. Kathlyn sighed as she rested the back of her head on the headboard. Napapikit siya't napakapit sa comforter nang maalala niya ang mga pananakit na dinanas niya sa kamay ng ama habang lumalaki. He loves her, but sometimes he turns into a monster that would beat the hell out of her. Kilala niya ito. Alam niyang kung hindi siya susunod ay malalagot ito sa kanya. Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan bago niya nilingon ang larawan nila ni Rancho na kuha noong kasal nila. Her eyes softened as the heaviness in her chest doubled. She needs to make Rancho fall before Demi comes back to San Marcelino. Sa pagkakataong ito ay hindi na lamang para mahalin din siya nito dahil mahal niya ito, kun'di para rin masigurong hindi na niya dadanasin pa ang impyernong ilang taon niyang pinagtiisan. Muli niyang isinara ang kanyang mga mata saka niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. "Mommy, guide me. I don't want to go back to my old life anymore . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD