Kabanata 8

1911 Words
PINANOOD ni Rancho na bumaba ng sasakyan ang asawa niya. Pagkasara nito ng pinto ay napansin niyang mabilis na itong naglakad papasok ng bahay. He watched her through the rearview mirror and waited for her to get in. Nang makitang nakapasok na ito ay saka niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. Sa totoo lang ay hindi niya maintindihan ang sarili niya sa buong maghapon. Para siyang aso na nagbantay rito sa outreach program dahil inis na inis siya kapag nakikita niyang tinitingnan ito ni Atty. Alvizo. Naapektuhan din siya noong sinabi ni Atty. Alvizo na pagod na nga si Kathlyn ay paglulutuin pa niya pag-uwi. He's not a fan of fastfoods. Ngunit mas pinili niyang bumili na lang kaysa hayaan itong magluto. Sigurado rin naman kasing wala na ang kasama nila sa bahay pagkauwi dahil araw ng day-off nito. Kung hindi siya bibili ng takeout food ay mapipilitang magluto ang asawa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang apektadong-apektado siya sa mga sinabi ni Atty. Alvizo. Pati tuloy iyong pag-e-effort ni Kathlyn na dalhan siya ng pagkain sa opisina ay gusto niyang ipatigil dahil iniisip niyang napapagod ito sa araw-araw na ginagawa. He even used the Demi card to make her lose interest in doing stuff for him. Ngunit heto naman siya't parang hindi mapakali ngayong nakikita niya ang naging epekto kay Kathlyn ng sinabi niya. Hindi naman siya ganito noon kapag ginagamit niya ang nararamdaman niya kay Demi para saktan ito. Gustong-gusto pa nga niya noon kapag naaapektuhan ito. Pakiramdam niya ay nakagaganti siya rito, pero ngayon, bakit parang . . . hindi na siya natutuwa sa reaksyon ng asawa niya? Rancho rubbed his palm on his face before he went out of his car. Umakyat siya sa kanilang kwarto. Naabutan niya naman itong palabas ng kanilang bathroom. Mukhang katatapos lamang maglinis ng katawan. Kathlyn avoided his gaze. Dumiretso ito sa lagayan ng mga pantulog nito at kumuha ng isusuot habang napako lamang si Rancho sa kinatatayuan. Ang tingin ay hindi magawang alisin sa direksyon ng asawa. Bakas sa maganda nitong mukha ang lungkot at pagod kaya parang nilamukos ang puso ni Rancho sa hindi niya matukoy na dahilan. Tila naaapektuhan siya ng ekspresyong nakikita ngayon sa mukha ng asawa niya. He sighed and just went to the bathroom. Napatagal ang pag-sha-shower niya dahil masyadong magulo ang kanyang isip at naninikip ang dibdib niya. Nang lumabas siya ay nakahiga na ito sa kama. Nakayakap pa ito sa unan at mukhang tulog na. Rancho went downstairs to see if she'd already eaten. Nang makitang walang bawas ang pagkaing para rito ay nawalan na rin siya ng gana. His wife went to bed with an empty stomach. Probably because the pain he'd inflicted in her was stronger than her hunger. Napabuntonghininga siya bago niya kinumbinsi ang sariling mas mabuti nang ganito sila. Baka kung magpatuloy ang ganitong sitwasyon ay sumuko na rin ito. He pursed his lips and stared blankly at the takeout food. Imbes na kumain ay ibinalik na lamang niya ang mga pagkain sa paperbag saka iyon ipinasok sa fridge. He went back upstairs and laid on his side of the bed. Nakatalikod sa kanya si Kathlyn kaya malaya niya itong napagmasdan. Rancho's eyes softened as he stared at his sleeping wife. Nang mawala sa sarili ay naiangat niya ang kanyang palad para sana haplusin ang buhok nito ngunit bago niya pa nagawa ay napigilan na niya ang sarili. Binawi niya ang kamay niya't pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. No. He shouldn't do it. He just hurt her feelings on purpose. Bakit niya ito hahaplusin? Humiga siya nang patalikod kay Kathlyn saka niya nilunok ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. He shut his eyes and tried to remember Demi's pretty face, yet the more he tried to make Demi's face appear vivid in his mind, the more it's getting replaced by Kathlyn's gloomy expression. Muling napabuntonghininga si Rancho bago siya naiinis sa sarili na bumangon upang lumabas ng kwarto. Umaasang mapapawi ng alak ang bigat na nararamdaman ngayon ng dibdib niya. "SIR RANCHO?" tawag ng sekretarya ni Rancho matapos itong sumilip sa pinto. He inhaled a sharp breath before he straightened his back. Mukhang nahuli siya ng kanyang sekretarya na malayo ang tingin at wala sa sarili. He tried to act busy even when all he had done all morning was space out because of the heaviness in his chest. Masakit din ang ulo niya dahil nag-inom siya kagabi para lang makatulog. "Yes?" Tuluyan itong pumasok habang may bitbit na paperbag. Nang maisara ang pinto ay lumakad ito palapit sa kanyang mesa upang doon ilapag ang bitbit nito. "Iniwan po ni Ma'am Kathlyn. Lunch n'yo raw po." Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Iniwan?" Tumango ito. "Opo. Ipinabibigay lang po sa akin." "Where is she?" "Umalis na po, Sir. Kanina pa po naiwan. Hindi ko lang po kaagad naidala rito dahil inayos ko pa po 'yong pinapaayos ninyong document." Hindi niya alam kung bakit bumigat na naman ang dibdib niya dahil sa nalaman. Tumango na lamang siya't pinalabas na ang kanyang sekretarya bago siya sumandal sa kanyang swivel chair. Rancho sighed while staring at the paperbag. Dapat ay maging masaya pa nga siya na hindi na siya inabala ng asawa niya pero ewan ba ni Rancho. Tila maging siya ay naaapektuhan ng pagtamlay at pag-iwas ng asawa niya. Siguro dahil masyado na siyang nasanay na kahit sinasaktan niya ito ay hindi siya pinapatulan. She would just keep the pain to herself and continue pleasing him. Ngayon lamang ito nagdistansya ng sarili. Kahit kaninang umaga ay nagkulong ito sa piano room matapos siyang maipaghanda ng almusal. He woke up and left their house without seeing her. Ngayong tanghalian ay hindi niya pa rin ito makikita. Ewan ba niya pero parang wala siyang ganang kumain. Masyadong mabigat ang dibdib niya kahit na ito naman dapat ang gusto niyang mangyari. Rancho tried to eat even when lunch didn't feel the same without Kathlyn. Maaga rin niyang tinapos ang mga kailangan niyang asikasuhin sa opisina nang makauwi siya kaagad. Hindi lamang niya maamin sa sarili kung bakit gusto na niyang umuwi. Tila ba hindi siya handang tanggapin kung ano man ang rason na nasa likod ng nararamdaman niya ngayon. He went in and heard the piano playing. Bahagyang nakabukas ang pinto sa piano room ng asawa niya. Para bang naakit siya ng malamyos na musikang nanggagaling sa silid kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad patungo roon. His chest tightened when he saw his wife playing the piano. Her eyes were shut while tears were trailing down her cheeks. The music she was playing sounded lonely as if she's letting every note speak for the pain she was feeling. Lumamlam ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang asawa niya. He couldn't help but wonder. How many tears had this room witnessed in the entirety of their marriage? How many music had she played in that piano to express how she feels? Ilang kirot pa ba bago bumigay ang puso nito? Bago ito bumitiw at hingiin ang kalayaan mula sa kanya? Rancho swallowed the lump forming in his throat. He was about to walk away when Kathlyn suddenly stopped playing and rested her head on the piano. Tila may dinaramdam ito dahil noong sinubukang tumayo ay muntik nang mabuwal. Tuluyang nakalimutan ni Rancho ang lahat. He rushed towards her and picked her up in a bridal way. Bahagyang nanlaki ang luhaang mga mata ng kanyang asawa. Tila ba nagulat na naroroon siya. "R-Ran?" halatang hindi nito makapaniwalang tawag. He pursed his lips as he studied her face. "You look unwell." Umiwas ito ng tingin saka nagpunas ng pisngi. "I just . . . have a fever, but I'm okay." Pilit itong ngumiti nang muli siyang tingnan ng malungkot nitong mga mata. "You can put me down." Rancho sighed. Imbes na makinig sa sinabi nito ay naglakad siya palabas ng piano room upang dalhin ito sa kanilang silid. He put her on the bed before he went downstairs again to find the medicine kit. Nahanap din niya ang thermometer. He filled a glass with water before he went back to their room. Halatang gusto nitong iwasan ang tingin niya nang simulan niya itong asikasuhin. Hindi rin ito makatingin nang diretso sa kanya nang ibigay niya rito ang gamot. "Take this. If your fever won't go down tonight, I'm gonna rush you to the hospital." Umiling ito. "Hindi na kailangan. Baka na-overfatigue lang ako kahapon." "It's better to be sure," seryoso niyang sabi bago ibinigay rito ang baso ng tubig. He watched her take the medicine. Nang nawala sa sarili ay itinulak pa niya ang ilang hibla ng buhok nito patungo ng likod ng tainga. Napasulyap tuloy sa kanya si Kathlyn. Tila hindi inasahang gagawin niya iyon. Kathlyn lowered her head after giving him the glass of water. Nagtungo naman siya sa banyo at kumuha ng face towel na binasa niya upang maipunas sa katawan nito. Nang makabalik sa kwarto ay naupo siya sa tabi nito at sinimulan itong punasan. He could feel her watching him as he wiped her skin with the damp towel. Ngunit kapag nag-aangat naman siya ng tingin ay bigla itong yuyuko na tila ayaw ipakitang tinitingnan siya nito. Rancho sighed. "Kailan nagsimulang sumama ang pakiramdam mo?" he asked in a cold tone. "K-Kaninang paggising," sagot nito sa mahinang boses. Natigilan si Rancho. Tinitigan niya ito habang salubong ang kanyang mga kilay. "Kaninang umaga pa? Then why did you still make me breakfast? Why did you still cook me lunch and drive to my office?" Kathlyn dodged his gaze while she seemed embarrassed. "A-Asawa mo ko, eh," may kahinaan ang tinig nitong sabi. "G-Gusto kitang ipagluto." Rancho clenched his jaw. "Did you avoid me all day to hide that you're sick?" He saw her purse her lips then nodded. Halatang nahihiya. "S-Sorry." Ewan ba ni Rancho ngunit tila may nagtanggal ng nagpapabigat ng kanyang dibdib. Napabuntonghininga siya habang ang kanyang mukha ay hindi niya napansing umaliwalas. "You should've told me that you're sick," he said as he continued to wipe her arm. "W-Why?" "Because I wouldn't go to work if I knew you're not feeling well. Wala kang kasama rito. Bukas pa ang balik ni Manang." Lumamlam ang mga mata ni Kathlyn. "You . . . always do that." "Do what?" Basag itong ngumiti. "Try to hurt me and then . . . do something that will make me crawl back to you." Her eyes flickered with pain as she breathed in a sharp breath. "A-Ayos lang. Alam kong . . . ginagawa mo 'to para mawalan ako ng gana at . . . sumuko na. You purposely hurt my feelings and then fake your care for me para aasa ako at . . . mas masasaktan pa. N-Naiintindihan ko. Mas . . . masakit nga naman kapag umasa ka ulit tapos . . . sasaktan ka." Tila mayroong sumuntok sa puso ni Rancho nang mapakla itong tumawa nang mahina. Napaiwas na lamang din siya ng tingin at nalunok ang namuong bara sa kanyang lalamunan nang mapansin niyang may namuong luha sa mga mata nito. Rancho stood up and took the glass of water before he left the room. Nang makalabas ay pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib bago niya nilingon ang asawa niya. If only he could admit to her and to himself that he never faked his care for her . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD