KATHLYN was busy playing with the kids while the adult members of the community were listening to the program. Hindi niya maramdaman ang pagod dahil aliw na aliw sa mga paslit na panay ang hagikgik.
Meanwhile, her husband was standing a meter away from her with his arms folded in front of his chiseled chest. Ang mga mata ay pagala-gala sa paligid bago dadapo sa kanyang direksyon.
Lihim na napangiti si Kathlyn. May balak yatang maging bodyguard ang asawa niya. Paano ay hindi na siya nawala sa paningin nito magmula noong nakarating sila kanina.
"Ato din, bu-at!" the little boy said when Kathlyn lifted the smallest kid in the crowd.
She smiled and tried to lift the boy, too. Ngunit dahil may kapayatan ang pangangatawan ay muntik na siyang matumba.
Rancho immediately helped her. Their bodies drew close to each other as they held both kids in their arms. Nagkakatitigan pa ang kanilang mga mata habang bahagyang umawang ang mga labi ni Kathlyn. Her heartbeat doubled as Rancho's gaze remained on her.
Napansin niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Rancho looked away then took both kids from her. "I'll carry them. Sit down before you faint."
Inirapan siya nito bago siya tuluyang tinalikuran. Hindi na lamang siya kumibo. She grabbed the chair near her and sat. Nakipaglaro na lamang din siya sa ibang bata na lumapit sa kanya.
The program ended at five PM. Tumulong silang magligpit bago siya sumama kay Rancho sa sasakyan nito.
"Ran," tawag ni Rimael.
Rancho paused. Nakita kaagad ni Kathlyn ang pag-igting ng panga ng kanyang asawa. Alam naman niyang may hidwaan ang mga ito. Nagpapaka-civil lamang dahil kailangan.
"What?" malamig na tanong ni Rancho sa kapatid.
"Let's have dinner with the staffs."
Sandaling natahimik si Rancho na tila nag-iisip. Maya-maya ay tila mayroon itong natanaw sa hindi kalayuan. Dumilim ang ekspresyon nito kaya hindi napigilan ni Kathlyn na sundan ng tingin ang kung ano'ng tinititigan ng kanyang asawa.
She swallowed the pool of saliva in her mouth when she realized that Rancho was staring at the lawyer who was trying to chitchat with her earlier. Ano na nga ulit ang pangalan nito? Hindi na niya maalala. Wala naman kasi talaga siyang pakialam sa lalake.
Rancho turned his gaze to his brother when the lawyer walked towards Rimael. "Thanks, but we're gonna head home."
"Uuwi na kayo? Sayang naman, Rancho. May kaunting inuman sana mamaya," ani. Atty. Alvizo.
Muling ibinaling ni Rancho ang tingin sa abogado. Maya-maya ay halos mahigit ni Kathlyn ang kanyang hininga nang hawakan siya ni Rancho sa baywang. Ang tingin ay nanatiling seryoso habang nakatutok kay Att. Alvizo.
Rancho smirked as he pulled her closer. "We'll pass. I'm looking forward to having my wife's home-cooked meal for dinner."
Lumagabog ang dibdib ni Kathlyn. Napaangat siya ng tingin sa galit na mukha ng kanyang asawa habang pasimple namang ngumisi si Rimael. Tila natutuwa rin ito sa narinig mula sa kapatid.
Rancho shifted his gaze to her. "You're gonna cook tonight, right?" seryoso pa rin nitong tanong.
Lumunok siya habang bahagyang namumula ang pisngi dala ng kilig na hindi niya alam kung dapat ba talaga niyang maramdaman. She shyly nodded and flashed a small smile, making Rancho stare at her lips. Lalo tuloy uminit ang pisngi niya dahil napatagal ang titig nito sa kanyang mga labi.
Bumuntonghininga si Atty. Alvizo. "Sayang naman, Rancho. Isa pa, parang kawawa naman ang asawa mo kung napagod na nga siya sa maghapong ginagawa tapos ay aasahan mo pang ipagluto ka? Don't you have a little mercy for your wife and just let her enjoy the night instead of expecting her to do more things once you get home?"
Kitang-kita ni Kathlyn kung paanong dumilim ang ekspresyon ng asawa niya. Bumaling ito kay Atty. Alvizo. Tila handa nang lamunin nang buhay ang abogado sa sobrang inis nito.
Kathlyn swallowed before she looked at Atty. Alvizo. Bago pa man makapagsalita si Rancho ay inunahan na niya ito.
"I . . . I love making meals for my husband." She swallowed her inhibition and placed her palm on Rancho's chest. Nadama niya ang pagbaling nito ng tingin sa kanya. Tila hindi inasahan ang pagsabat niya sa usapan. "Minsan . . . minsan pumupunta pa ako ng opisina niya. He doesn't like it when I get tired for doing stuff like that. Especially for him but . . ." Kabado niyang sinulyapan si Rancho. "B-But I love it when I see him enjoying the foods I make." She sighed and turned to Atty. Alvizo again. "May mga bagay na nakakapagod gawin, pero handa ko pa ring gawin kasi mahal ko ang asawa ko, Attorney."
Naramdaman niyang bumilis ang t***k ng puso ni Rancho. Hindi rin ito nakakibo na tila hindi nito inasahang sasabihin niya ang mga bagay na sinambit. Wala naman na rin siyang pakialam. Matagal naman na itong aware na mahal talaga niya ito.
Kahit na siya lamang ang nagmamahal sa kanilang dalawa . . .
Rimael broke the silence by exhaling a sharp breath. "Let's respect the couple's decision, Attorney." Tinapik nito ang balikat ng kapatid. "Mag-ingat kayo sa pag-uwi."
Rancho drifted his gaze towards his brother. His adam's apple bobbed up and down before he nodded.
"T-Tara," mahina nitong sabi bago siya hinawakan sa kanyang lower back. Tila ba nakalimot ito kaya nagawa pa siyang ipagbukas ng pinto.
Kathlyn couldn't help but purse her lips. Hindi man niya aminin ay sapat na ang pamumula ng kanyang pisngi para makitang kinikilig siya sa ginawa ni Rancho. Tiningnan tuloy siya nito nang makapasok na ito sa driver seat. Nang mapansin nitong may munting kurba sa kanyang mga labi ay tila nagpanggap itong naiinis.
"What are you smiling about? Natutuwa ka ba na gusto kang makasama ni Dineo sa dinner at inuman?" masungit nitong tanong.
Kathlyn inhaled a sharp breath then shook her head. "H-Hindi. A-Ano lang, masaya ako kasi . . . ngayon mo lang ako ipinagbukas ng pinto ng kotse." She smiled a little wider. "Ang sarap pala sa pakiramdam . . ."
Napansin niyang lumamlam ang mga mata ni Rancho. Maya-maya ay umiwas ito ng tingin. His adam's apple went up and down before he turned on the car's engine. Hindi na ito kumibo pa. Nagmaneho na lamang ito kaya itinikom na rin niya ang kanyang bibig.
Akala niya ay didiretso sila sa kanilang bahay kaya naman nang mapansing nag-iba sila ng daan ay hindi niya naiwasang ikunot ang kanyang noo.
"Ran? Where are we going?" she asked.
Sinulyapan lamang siya nito bago nito binagalan ang takbo ng sasakyan. He then turned the wheel and headed to a fastfood's drive thru lane.
"What do you wanna get?" he asked. Mahina ang boses at tila nahihiya pa.
"U-Uhm . . ." She looked at the menu. "Iyong . . . chicken na lang na may fries kung pwede."
Tumango ito. He rolled down the window then ordered their food. Nang makuha ang pagkain ay inilapag nito ang paperbag sa kanyang kandungan.
"Bakit tayo nag-drive thru? Kaya ko pa naman magluto pagkauwi," aniya habang nagda-drive ito.
Rancho avoided her gaze as if he was ashamed or something. "I just want fastfood tonight," he said then glanced at her. "You should stop making meals for me as well. Let Manang do all the cooking."
Natigilan siya't napatitig sa asawa. "Pero gusto ko ang ginagawa ko, Ran. I love making meals for you--"
"Because you love me, hmm?" putol nito sa kanyang sinasabi.
She inhaled deeply. "Oo. Hindi ko naman kailangang i-deny iyon kasi matagal mo naman nang alam."
Napansin niyang may dumaang lungkot sa mga mata ni Rancho. He pursed his lips for a moment then dodged her gaze as he let out a heavy breath.
"You should start learning how to unlove me. Hindi pa huli ang lahat para sa'yo," he said under his breath. His eyes became gloomy as his grip on the steering wheel tightened.
Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso ni Kathlyn. Her shoulders fell and her head bowed low as the pain clawed her heart.
"Y-You . . . really can't love me? Even . . . just a little bit?" natanong niya sa nasasaktang tinig.
Kitang-kita niya ang paghigpit ng hawak ni Rancho sa manibela. He let out a sharp sigh before he answered her in a breathy way.
"My heart will always belong to Demi, so I am begging you. Save yourself while you still can . . ."