Kabanata 6

1445 Words
"KATH," seryosong tawag ni Rancho kay Kathlyn habang abala siyang tumulong sa staff ni Rimael na magsalansan ng mga ipamimigay na kits mamaya pagkatapos ng lecture. She looked at her husband who's holding a small takeout box. Sinenyasan siya nitong lumapit kaya nagpaalam muna siya sa staff na pupuntahan ang asawa niya. "Kayo muna, ha?" Tumango ito. "Opo, Ma'am. Sige lang po." Kathlyn walked towards Rancho. Sabay silang naglakad patungo sa kabilang tent kung saan may monobloc chair na hindi ginagamit. Rancho picked it up and placed it where the sunray doesn't hit anymore then looked at her with his cold eyes. "Sit down and eat. Kanina ka pa nagpapakabayani ro'n," masungit nitong sabi. Napalunok siya. "Okay lang naman. Nag-e-enjoy naman ako--" "I said sit down," putol nito sa kanyang litanya. Wala na siyang nagawa kun'di ang sundin ang asawa. She sat down and watched him remove the tapes securing the cover of the takeout box. Pagkain iyon para sa mga staff at volunteers ng outreach program. Mukhang kinuhanan siya ni Rancho dahil hindi pa siya kumakain ng lunch. Hindi na rin naman kasi niya napansin ang oras. Masyado siyang naging abal sa pagtulong sa pag-aasikaso. She realized she enjoys doing stuff like this. Pakiramdam niya ay nakalilimutan niya ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isip niya at nagpapasikip ng dibdib niya. "Here. Ubusin mo," masungit pa ring utos ni Rancho bago siya iniwanan sa tent. Napasunod na lamang siya ng tingin sa asawa nang akala niya ay iiwan na siya nito roon. Ngunit maya-maya ay napansin niya kung saan ito dumiretso. He went to the ice box and grabbed a cold bottle of mineral water. Isinara nito ang ice box saka na naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Her heart cheered because of what Rancho is doing for her. Yumuko na lamang din siya't sinimulang kumain nang maitago niya ang pamumula ng pisngi niya. Rancho stood next to her. Hawak nito ang mineral water habang panay ang masid sa paligid. Tila ba nagbabantay sa kanya nang walang makalapit na hindi nito gusto. Kathlyn struggled to eat because of her long hair. Nakailang hawi na siya sa may kahabaan niyang buhok ngunit talagang bumabagsak pa rin sa harap. Mukhang napansin ni Rancho iyon. Bumuntonghininga ito bago ibinulsa sa back pocket ng pantalon ang bote ng mineral water. He then collected her hair and held it, making Kathlyn blush and look up. Nagtama ang tingin nilang mag-asawa. Rancho's cheeks stained red a bit whiel his adam's apple bobbed up and down as he looked away. "Kumain ka na lang diyan. Hindi ka kasi nagdadala ng panali," he said in a serious way. Tila pilit na nagsusungit. Napangiti na lamang si Kathlyn saka na siya bumalik sa pagkain. Oh how she wishes there's an outreach program every day. Para araw-araw siyang nagiging masaya dahil sa mga ginagawa ng asawa niya. Kathlyn looked at the kids who are enjoying the cookies she baked. Napangiti siya noong makita kung gaanong natutuwa ang mga paslit sa simpleng pagkain. Hindi tuloy niya napigilang lingunin si Rancho saka niya ito kinausap. "Nakakatuwang maging bata, ano? Tingnan mo sila. Kahit hirap sila sa buhay, hindi nila naiisip ang mga problema. They would pause and appreciate what you give to them. Kaya nilang maging masaya sa isang kurap lang. Kayang tumigil sa pag-iyak nang mabilis. Humanap ng bagong pagkakatuwaan." She sighed. "Ang sarap maging bata." Rancho sighed. He then pushed the baby hairs on the side of her face towards the back of her ear. "Nakakatuwa ngayon, pero oras na magkamalay na ang mga paslit na 'yan, magiging malaking parte ng pagkatao nila ang kahirapang meron sila ngayon." "Kaya sana ma-prioritize ni Rim ang family planning seminars, scholarship programs, at livelihood program," aniya saka sumubo ng pagkain. "Don't you think my brother should focus more on infrastructures and tourism?" "Those are important, too para tumaas ang budget ng probinsya." Nagkutsara siya ng kaunting pagkain. "Pero kung hindi magagamot ang ilan sa pinakaproblema ng probinsya, walang silbi ang magagarbong istraktura at nakaeengganyong campaign para sa turismo." "Okay? I'm listening." Umayos siya ng upo. "All I'm saying is, kung makokontrol ang populasyon, mas kokonti ang bilang ng mga mamamayang kailangang mabigyan ng trabaho. Dapat ma-educate ang mga mahihirap dahil madalas sila ang maraming anak. I guess it has something to do with their access to education. When someone is well-educated or well-informed to the very least, mas nagiging critical thinkers ang tao. They will have better judgements. Mas kaya nilang isipin ang consequences ng pagkakaroon ng maraming anak. Hindi nila kailangang maging biktima ng overpopulation at magsilang ng maraming bata sa mundo na maghihirap kasama nila. They would become more aware sa pupwedeng mangyari if they would have kids they won't be able to raise properly. Kapag mas magiging aware sila about family planning, mas malaki ang posibilidad na mag-ingat sila. The scholarship programs can help send unfortunate kids to school while the livelihood programs can provide a decent way for the adults to earn. Hindi na mababago ang nakaraan. Nangyari na. Nagkaroon na ng maraming bata. We have to solve the problems that exist right now so we can have a better future." "And what if they wouldn't listen, hmm? What if kahit ibigay ng gobyerno ang tamang edukasyon tungkol sa pagpaparami ng anak na hindi naman kayang buhayin?" "Again, that's gonna boil down to a person's lack of ability to make better decisions. Kaya importante ang edukasyon dahil hindi man magamit sa totoong buhay ang mahihirap na problemang ipinapa-solve sa eskwelahan, nakakatulong naman ang mga 'yon para maging critical thinker ang isang tao." She licked the stain of oil on her lips. "Hindi lahat kayang resolbahin ng gobyerno, pero hangga't kayang tulungan ang mamamayan na mapagtanto kung ano ang puno't dulo ng mga problema, maybe we can have a better community someday. Kahit paunti-unti. Ganoon naman, eh. Palaging may maliit na dahilan ang malalaking problema. We just have to find out those small reasons and solve it as much as we can. Kunwari, baha. Minsan hindi na 'yong daluyan ng tubig ang problema kun'di ang mga bumabara sa daluyan. The government should implement proper waste management system gaya ng sa Germany." There's a slight upward curve that appeared on the corners Rancho's lips. "You're good at this, huh?" Napangiti siya. "Y-You think so?" "Yeah . . ." Tila nakalimot silang mag-asawa. They talk as if everything was okay in their marriage. Dahil kahit si Rancho ay nag-engage sa kanilang usapan. Nagkakatitigan pa nga sila nang may katagalan. Baka kung hindi nadapa iyong isang bata na tumakbo malapit sa kanila ay hindi pa sila napabalik sa sarili. Rancho immediately walked towards the little boy who seems around two years old. Ngumawa ang bata kaya binuhat ito ni Rancho at inalo. Natulala naman si Kathlyn habang pinagmamasdan ang asawa niya. The kid slowly stopped crying and stared at Rancho with fascination. Ngumingiti na rin ang asawa niya habang pinupunasan ang bakas ng luha sa pisngi ng paslit. Kathlyn sighed. She has a feeling that Rancho would make a great Dad. Nakalulungkot lang isiping ayaw nitong magkaanak sa kanya. "Naku, Ma'am Kathlyn! Mukhang ready na si Sir Rancho na maging tatay! Tingnan mo, ang bilis magpatahan!" kantyaw ng isa sa mga staff. "W-Wala po sa plano," sabi niya. Medyo kinabahan pa dahil baka mapikon ang asawa niya. "Ay sus! Planuhin na 'yan!" asar nitong muli. Rancho cleared his throat. "We're still mentally and emotionally preparing for a child." Uminit ang kanyang pisngi nang nagkatinginan sila ni Rancho. Mukhang napansin din nito ang pagkabigla niya kaya bahagyang namula. Hindi naman kasi niya inasahan ang naging sagot nito sa staff. She swallowed the pool of saliva in her mouth when she realized that maybe Rancho just said it to avoid the staff from knowing what's really going on in their marriage. Baka nga pati itong pag-aasikaso sa kanya at pagsigurong kumain siya ay palabas lang nang hindi maghinala ang mga tao. Kathlyn's eyes softened and became gloomy when her chest started to tighten. Nang mapansing umigting ang panga ng kanyang asawa ay pilit na lamang siyang ngumiti sa staff na nang-aalaska sa kanila. Yumuko na lamang din siya pagkatapos saka pasimpleng sinulyapan ang kanyang asawa. Wala na sa kanya ang atensyon nito. He's now playing with the little boy and with the other kids who ran towards him. Kath pursed her lips and swallowed the lump forming in her throat when she saw the glint of joy in Rancho's eyes while he was playing with the kids. If only Rancho would give her even just one child, then maybe staying married with him wouldn't feel hellish at all . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD