ALAM naman ni Kathlyn na hindi niya na dapat i-stalk pa ang account ng ex ni Rancho. Ngunit sadyang may mga pagkakataon lang na hindi niya mapigilang bisitahin pa rin ang accounts nito.
Demi's socials don't show a lot. Mukhang kakarampot lamang ang public posts nito ngunit sapat na ang mga iyon para manliit si Kathlyn. Karamihan kasi ng public posts nito ay tungkol sa achievements nito sa buhay. She seemed happy, too and is very stunning in her recent posts.
Bumuntonghininga si Kathlyn saka niya tiningnan ang sarili sa salamin. A lot of people say she looks like Tiffany Hsu. A lot of men tried to hit on her when she was still single. There were politicians, business tycoons, and even local artists. They would often visit her in their home or send him expensive gifts, hoping they would win her heart.
Kahit naman ngayong may asawa na siya ay marami pa ring sinusubukang magparamdam. Hindi lamang niya pinapansin dahil kahit na hindi maayos ang samahan nila ni Rancho ay nananatili siyang tapat sa pagsasama nila.
She was admired by many, yet here she is, feeling ugly and not enough. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili kay Demi. Rancho's ex has a great career and purpose in life while here she is, tila walang ibang papel sa mundo kun'di ang magsilbi at paamuhin ang asawa niyang ni katiting ay walang pagmamahal sa kanya.
Kaagad niyang itinago ang phone niya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Mukhang tapos nang maligo si Rancho. He insisted on accompanying her to the outreach program. Kanina pa siya nakabihis at hinihintay na lamang ito.
Rancho glanced at her. "You look like you've seen a ghost," malamig ang tinig nitong sabi.
Kathlyn inhaled a sharp breath before she forced a smile. "S-Sorry. Uhm, hintayin na ba kita sa baba?"
Tumango ito saka na inalis ang titig sa kanya. Tumayo naman siya mula sa harap ng dresser at lumakad palabas ng kanilang walk-in closet, ngunit bago pa siya nakalabas ng pinto ay napansin na niyang pinanonood siya ni Rancho. Nahuli pa niya itong umiwas ng tingin saka ito kumuha ng relos sa koleksyon nito.
Hindi na lamang inintindi pa ni Kathlyn ang asawa. She went downstairs and readied the cookies she baked for the kids who will participate in the outreach program. Sinamahan pa niya ng vitamins ang loot bags.
Kathlyn carried the box as soon as she saw her husband went down the stairs. Nang makita siya nito ay lumapit ito sa kanya at inagaw ang bitbit niya. Nahawakan pa ni Rancho ang kamay niya kaya para na naman siyang teenager na pinamulahan ng pisngi.
Umiwas na lamang siya ng tingin at akmang kukunin ang isa pang kahon nang hindi nito mapansin ang pamumula niya.
"Follow me and get in the car," seryosong utos ni Rancho.
Tumingin siya rito. "Kukunin ko lang--"
"Ako na ang bubuhat," malamig nitong putol sa sinasabi niya. "Just get in the car."
Hindi na siya nagprotesta pa. She followed him outside and went in his car. Nang makasakay siya ay ipinasok naman nito sa trunk ang kahon saka binalikan ang dalawa pa. Inisang buhat na lamang nito ang mga natirang kahon. Nang maiayos ang lahat sa trunk ay sumakay na rin ito kaagad sa sasakyan.
They were quiet during the entire car ride to the location Rimael had sent her. Pagkarating sa lugar ay hindi na naman siya pinayagan ni Rancho na buhatin ang mga kahon.
"Rim," bati niya sa nakatatandang kapatid ni Rancho. Bumeso naman ito sa kanya saka nito sinalubong ang kapatid at tinulungang buhatin ang mga dala.
Inilibot ni Kathlyn ang tingin sa paligid. There were kids lining up and staring at them. Ang iba ay marungis ang mga kasuotan at tila kulang sa timbang.
Oh, her heart breaks for the unfortunate kids. Parang hindi pa man nagsisimula ang programa ay maiiyak na siya.
Rimael's staffs opened the program. Ipinaliwanag ng mga ito ang purpose ng outreach program. Nang malamang may feeding ay nagpresinta siyang tumulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata. She happily wore the apron given to her and started putting food on each bowl for the kids lining up in front of her.
"Here. Ubusin mo, ha? May ibibigay ako mamaya kapag naubos mo," nakangiti niyang sabi sa batang babae na nakapila sa harap niya. Magkaiba pa ang tsinelas na suot at tila hindi nasuklay ang buhok.
An unfamiliar man wearing an expensive watch stood next to her. Tumulong na rin ito sa pagsasandok ngunit panay ang tingin sa kanya.
"You're Mr. Arellano's unica hija, right?" tanong nito habang may ngiti sa mga labi.
She glanced at him and nodded. "Uhm, yeah," sagot niya. Not really paying attention to his obvious display of interest.
Lumawak ang kurba sa mga labi nito. Naglahad pa ng palad habang titig na titig sa kanya. "I'm "Dineo Alvizo. Lawyer ako ng pamilya ni Congressman Fuertes."
Kathlyn forced a smile. "Kathlyn," simple niyang sagot saka na mabilis na binawi ang kamay.
The guy cleared his throat. "I heard you were arranged for marriage. You know, it's not too late if hindi mo naman piniling magpakasal. Annulment can be fast when you have connections. I'm a lawyer, by the way. I can help you if you want my service. Marami na akong naipanalong kaso."
Hindi niya alam ang dapat isagot kay Atty. Alvizo kaya nginitian niya na lamang ito, ngunit nang aksidente niyang nahagip ang asawa niya sa hindi kalayuan ay halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso.
Rancho was standing next to Mayor Millado and Vice Mayor Atayde with his jaw clenched and eyes narrowing at the man next to her. Tila galit o . . . nagseselos. Hindi na rin ito sumasali sa usapan ng dalawang pulitiko. He seems like a vulture guarding its next meal, waiting for it to do something stupid before it attacks.
Nabaling sa kanya ang tingin ni Rancho kaya kaagad siyang yumuko at nagpanggap na abala sa ginagawa. Patuloy naman si Atty. Alvizo sa pakikipag-usap sa kanya kahit na napakatipid na niya sa pagsagot.
"Hindi ba ay tumutugtog ka ng piano? Nakwento ng kumpare ng tatay mo na naging kliyente ko rin," muling tanong ng lalake.
"I do, but it's just a hobby," sagot niya bago kumuha ng bagong bowl.
"I would love to hear you play--"
Naputol ang sinasabi ni Atty. Alvizo nang tila mayroong nakita sa kanyang likod. Meanwhile, Kathlyn nearly had a mini heart attack when she felt someone held her by her waist. Naglaro rin kaagad sa kanyang ilong ang pamilyar na pabango ng kanyang asawa. Nang tumingala siya upang tingnan ang taong nasa kanyang likuran ay halos lumundag ang kanyang puso.
It was Rancho . . . and he's narrowing his eyes right now at Atty. Alvizo while his jaw was tightly clenching.
"R-Ran . . ." mahina niyang tawag.
She saw him give Atty. Alvizo a side eye. Maya-maya ay ibinaling nito ang matalim na tingin sa kanya.
"Let me do it. Nangangalay ka na," seryosong sabi ni Rancho. Ang isang palad ay nanatili sa kanyang baywang habang ang isang kamay ay humagod sa kanyang braso pababa ng kamay niyang may hawak ng sandok.
Kathlyn didn't know what to do. Hinayaan na lamang niyang makuha nito ang sandok saka siya umalis sa harap nito. Dahil namumula na ang pisngi at halos hindi alam ang gagawin ay nilapitan na lamang niya ang mga dala nilang karton. She started taking out the loot bags and arranged it on top of an empty table.
Lumapit ang pamilyar na bulto sa kanya habang panay ang sulyap niya sa asawa niyang hindi maipinta ang mukha habang nagsasandok ng arrozcaldo. Rimael started helping her unpack while there's a ghost of a smile written on his lips.
"Your husband seems jealous," Rim said.
Lumagabog ang dibdib ni Kathlyn. "P-Parang hindi naman. Hindi naman ako mahal niyan para magselos siya."
Rimael sighed. "He is. You just gotta open your eyes and see what I can see."
"Rim, ayokong paasahin ang sarili ko."
"You won't." He placed the loot bags on top of the table then glanced at Rancho. Maya-maya ay ngumisi ito. "You just have to see the truth," dagdag nito saka siya iniwanan kahit na may dalawang kahon pa ng loot bags na ilalagay sa table.
Akmang tatawagin niya ito nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang likod. Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kanya ang galit na mukha ng kanyang asawa. Rancho's eyes are now staring at his brother. Nakaigting na naman ang panga at tila leon na nagbabanta kung tumitig sa kapatid.
"Oh? Hindi ka na magsasandok?" she asked.
Rancho threw her a side glance. "You need help here."
"Hindi naman. Kaya ko na 'to--"
"You need me here," he insisted like a bodyguard she wouldn't be able to escape from. Medyo namumula pa ang pisngi na tila naiinis o nahihiya dahil gusto nitong manatili sa tabi niya.
Napalunok na lamang si Kathlyn saka niya mariing pinaglapat ang kanyang mga labi.
Maybe believing Rimael wouldn't hurt that much at all . .