Kabanata 1

1540 Words
KATHLYN closed the book she's been reading the whole afternoon when she heard footsteps approaching the room. Umayos siya ng pagkakaupo sa French settee na nasa kanilang kwarto ni Rancho. She watched the door until Rancho finally walked in. Nginitian niya pa ito ngunit inirapan lamang siya ng asawa bago ito dumiretso sa kanilang walk-in closet. It's been their usual routine since they got married. She stays at home while Rancho takes care of the Santi Vlanco's family business. Their parents have been pressuring them to have a child already. Ngunit sa tuwing nababanggit ang bagay na iyon ay sumasama lalo ang loob ni Rancho. Alam naman niya kung bakit ayaw nitong napag-uusapan ang pagkakaroon ng anak. Unang-una ay hindi siya mahal ni Rancho. Pangalawa ay sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng anak nito kay Demi. It breaks her heart every time Rancho would visit his dead child's grave. Alam niya kung dinalaw nito ang namayapang anak dahil kung hindi lasing ay namumugto ang mga mata nito. There is nothing she could do to ease the pain he was feeling. Kasi paano nga naman niya gagawin iyon kung wala nga siyang magawa para makumbinsi itong karapat-dapat din siyang ituring na asawa? Kathlyn filled her lungs with enough air before she followed him in the walk-in closet. "Your brother called. He said we have to be at the resto before seven PM." Hindi siya kinibo ni Rancho. He just continued going through his clothes to look for something to wear at his brother's dinner party. Kapapanalo lamang ni Rimael bilang gobernador kaya mayroon silang maliit na selebrasyon. "Magbihis ka na," malamig nitong sabi bago ito dumiretso sa banyo upang mag-shower. Kathlyn sighed. Kinuha niya ang damit na balak niyang isuot. Nakaligo na siya kanina at nakapagpatuyo ng buhok habang naghihintay rito. She just read a book and waited for him to come home before she gets ready. Tinanggal niya ang suot na damit at nagbihis. Nag-ayos na rin siya ng sarili, umaasang kahit paano ay matatago ng make up ang lungkot sa mga mata niya. Rancho went out of the bathroom. Nakapagbihis na rin ito at handa nang umalis. Kumuha lamang ito ng relos sa koleksyon saka na lumabas ng walk-in closet. Nagmadali na si Kathlyn noong narinig niya itong lumabas ng kwarto. Kilala niya si Rancho. Hindi ito mag-aaksaya ng panahon para hintayin siya nang matagal kaya kahit na hindi pa siya tapos ay tumayo na siya mula sa dresser at inilagay na lamang ang mga make up sa kanyang bag. She followed him downstairs. Nang napagtantong nasa kotse na ito ay bumuntonghininga na lamang siya. Ni minsan ay hindi niya naranasang ipagbukas man lang siya ng asawa ng pinto. Para bang ipinakikita nito sa kanya na hinding-hindi siya nito itatrato bilang asawa. Pumasok siya sa shotgun seat saka siya bumaling sa asawa ngunit ganoon na lamang ang naging pagkirot ng kanyang dibdib nang makitang nag-s-stalk na naman si Rancho sa social media account ni Demi. There was a hint of regret and longing in his eyes while he stares at Demi's recent post. Tila wala rin itong pakialam kahit na makita niya itong binibisita ang accounts ng ex nito. Kathlyn inhaled a sharp breath. "P-Pwede bang . . . saka mo na siya i-stalk kapag hindi mo na ako kasama?" Rancho tilted his head to look at her. "Why would I choose when to visit Demi's accounts when I don't give a f**k about what you feel?" Napayuko na lamang si Kathlyn. Hindi man niya maamin ngunit lalo lamang siyang nanliliit sa tuwing sinasampal siya ni Rancho ng katotohanang hindi siya nito mahal at wala itong pakialam sa nararamdaman niya. She gets it. Demi isn't someone Rancho could get over with easily. They had a beautiful relationship back then, and she ruined it. Ano nga bang karapatan niyang magreklamo? Muli siyang sumulyap sa phone ni Rancho. He's now looking at Demi's photo where she's sharing the news about her becoming a licensed doctor. Inangat niya ang tingin sa mukha ni Rancho. He seems . . . so proud of her. Para na naman tuloy sinuntok ang dibdib niya. She couldn't help but feel less. She's an unemployed Magna c*m Laude. An expert in playing the piano but only plays for herself when she's lonely. She has a house she couldn't call home. And she's a miserable wife deprived by her own husband to have kids. She feels so unfulfilled. Parang walang direksyon ang buhay niya, at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nabibilang lamang sa mga daliri ang mga pagkakataong naramdaman niya kung paano maging masaya. Tumingin na lamang siya sa labas ng kotse nang magsimulang paandarin ni Rancho ang sasakyan. Gaya ng nakasanayan ay hindi na naman sila nag-usap hanggang sa nakarating sila sa resto na sinasabi ni Rimael. Ni hindi nito hinawakan ang kamay niya. Nauna pa nga ito sa paglalakad na tila walang balak magpaka-plastic sa publiko. "Rim," bati niya sa nakatatandang kapatid ni Rancho. Bumeso sa kanya si Rimael. Nang makita nitong naupo na ang kapatid at bumuntonghininga ito. "It wouldn't hurt to pull a seat for your wife," seryosong sabi ni Rimael kay Rancho. Kathlyn swallowed when she saw the sharp gaze her husband had thrown at her. Labag sa loob itong tumayo at ipinaghila siya ng silya. Hiyang-hiya tuloy siyang umupo dahil alam niyang pinakikiramdaman sila ng mga kasama sa mesa. Tumikhim si Congresswoman Alegado. "Good to see you again, Mrs. Santi Vlanco. Kumusta ang marriage ninyo ni Rancho?" Miserable, she thought to herself. Pilit siyang ngumiti sa ginang. "A-Ayos lang po." "Wala pa rin kayong anak hanggang ngayon. Kailan ninyo balak? Malungkot ang tahanan kapag walang bata." "Not our priority," said Rancho. Malamig ang tinig at halatang naiirita sa tanong. Congresswoman Alegado looked at her again. Tila naghihintay ng bersyon niya ng sagot. Pilit na lamang na ngumiti si Kathlyn. "L-Like what my husband said, kids are not . . . our priority for now." "Iba na kasi ang panahon ngayon, Cynthia," agap ni former governor. "Karamihan sa mga bagong mag-asawa ngayon ay hindi muna ginugustong magkaroon ng anak dahil gusto muna nilang ma-enjoy ang pagsasama nila nang sila muna at wala pang ibang iniintindi." Napayuko si Kathlyn. She hopes that's the case. Sana nga priority lang talaga nila ni Rancho ang bigyan ng oras ang isa't isa kaya lang hindi. They don't have a child yet because he despises her. At araw-araw iyong ipinapaalala ni Rancho sa kanya. The whole dinner felt suffocating. Sumasagot naman siya sa mga tanong ngunit masyado siyang nag-iingat dahil baka kung may mali siyang masabi ay malintikan siya kay Rancho. Ayaw niyang pag-uwi nila ay may pag-aawayan na naman sila. They went straight home after the dinner. Nagbihis siya't nilapitan ang asawang nasa may veranda at naninigarilyo. Rancho started smoking after they got married. Minsan gusto niya ring sisihin ang sarili kung bakit nagkaroon ng ganoong bisyo ang asawa. She caressed Rancho's back, hoping that her simple gestures would somehow thaw his ice-cold heart. Ngunit tinapunan lamang siya nito ng matalim na tingin saka nito pinatay ang sigarilyo. Dahil napahiya ay tinigilan na lamang niya ang paghaplos sa asawa. She stood a feet away from him and just stared at the starry sky. "A-Ayaw mo ba talagang . . . magkaroon ng anak?" lakas-loob niyang tanong. Umismid ito. "Don't act so foolish. You know my answer to your question." She sighed. "Hindi mo naman ako kailangang mahalin kung hindi mo talaga kaya. Pero baka pwede mo akong bigyan ng anak para may makasama naman ako--" "Makasama kang maging miserable? O para may magamit ka na naman na pangkontrol sa'kin?" asik nito. Lumamlam ang mga mata niya. "Hindi ko alam kung papaano ko pa maaalis ang galit diyan sa puso mo, Rancho. Pero sana huwag mo namang ipagkait sa akin ang maging ina." Dumilim ang ekspresyon nito. "Huwag kong ipagkait?" He scoffed then clenched his jaw. "Oh, you dragged the both of us in this misery. If not having a child would make you feel worse then I'd gladly deprive you of having one." Kumislap ang galit sa mga mata nito. "I'm going to f**k you when I want, but you could never expect a child from me." Napakapit na lamang si Kathlyn sa railing nang layasan siya ni Rancho. Padabog pa nitong isinara ang pinto ng silid kaya halos mapatalon siya sa gulat. She shut her eyes and held onto the railing tighter. Mariin din niyang pinaglapat ang kanyang mga labi saka niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. Kung si Demi kaya ang nasa posisyon niya ngayon at naging asawa ni Rancho, ganito pa rin kaya ang magiging trato ni Rancho? Malamang ay hindi, at doon pinakanasasaktan si Kathlyn. She stared at her wedding ring as her tears started to blur her vision. Suminghot siya't nagpunas ng mga luha bago siya dumiretso sa kama. She hugged her extra pillow and shut her eyes, and as her tears started to wet her pillow, Kathlyn prayed to God for strength to endure everything. Because God knows she only wanted nothing but a happy family life with the man she knows would never love her as much as he loves his ex . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD