"When are you going to ask for annulment?"
Napabuntonghininga na lamang si Kathlyn nang marinig ang tanong ng kaibigan niyang si Veeta habang magka-video call sila.
"I won't," simple na lamang niyang tugon.
Veeta grunted. "You are wasting your life trying to be a better half for someone who couldn't even be a better man for you. Kung noon mo pa hiniwalayan 'yang si Rancho, kasama sana kita ngayon dito."
Nasa New York ang kaibigan ngayon at naghahanda para sa isang malaking show. Veeta had been her friend since kindergarten. Pareho silang nahilig sa pagtugtog ng piano ngunit ito lamang ang nagawang gawing propesyon ang bagay na pareho nilang mahal.
Veeta had always been against Rancho. Hindi ito um-attend ng kasal dahil galit ito sa lalake. Ilang buwan din silang hindi nag-usap dahil masama ang loob ng kaibigan sa kanya. Naiintindihan naman niya ito. Veeta knows how much Rancho resents her. Kaya nga tuwing magkausap na lamang sila ay binabanggit nito ang tungkol sa annulment.
Tumingin siya sa screen ng kanyang iPad. "Vee, drop it. Okay ang marriage ko."
Umismid ito. "Ako pa talaga ang lolokohin mo. Fine. Stay in that stupid marriage with that good-for-nothing husband of yours, but once you go coo-coo because of him, don't say I didn't try to save you."
"Vee, ngayon na nga lang ulit tayo magkakaroon ng time para mag-usap, pag-aawayan pa ba natin 'to?"
"I am not fighting with you, Kath. I am just trying to knock some senses in your pretty head. Matalino ka, maganda, mabait, and you're very talented. But what are you right now?"
Napalunok na lamang si Kathlyn. Veeta doesn't have to rub it on her face anymore because she keeps on asking the same thing to herself in the past years that she's been married to Rancho. Well, she's nothing but a miserable life, but she's not going to let people know that.
Ibinaba ni Veeta ang hawak na curler. "You know, if you'd one day wake up from this silly nightmare you've been stuck on for years, marami akong ipapakilala sa'yo. Men who would worship you. Hindi katulad niyang walang kwenta mong asawa."
Kathlyn sighed. "For the last time, my marriage is great."
Umikot ang mga mata nito. "Ay ewan ko sa'yo. Sige na nga, I gotta go. Magkaka-wrinkles pa ako sa'yo. Sige na. Happy birthday. Wish ko sana magising ka na sa katotohanan."
All Kathlyn can do is smile at the screen until the call is finally dropped. Napabuntonghininga na lamang siya bago niya kinuha ang mga sangkap ng lulutuin niyang Puchero.
She learned how to cook for Rancho. Isa iyon sa mga paborito nitong ulam ayon sa pinakamatandang kusinera ng pamilya Santi Vlanco. Hindi man siya sigurado kung uuwi ito sa tamang oras para makasabay siyang maghapunan ay naghanda pa rin siya.
Siguro naman ay uuwi ito. Birthday niya naman. Baka kahit paano ay maalala nito, hindi ba?
She tried to stay hopeful even when Rancho had ignored her previous birthdays. Kaya kahit na wala pa rin itong replies sa mga chat niya ay naghanda pa rin siya ng hapunan nilang mag-asawa.
Kathlyn set everything and sat in front of the dining table, patiently waiting for her husband to come. Panay rin ang sulyap niya sa kanyang suot na relos. Inaabangan ang oras ng pag-uwi nito.
Maya-maya ay narinig na niya ang pagdating ng sasakyan ni Rancho. Her eyes lit up in excitement as she stood up. Sinalubong niya ito sa main door. She smiled like a good wife who's expecting her husband to come home. Ngunit binati na naman siya ng nakasimangot na mukha ni Rancho.
"Uhm, how's work?" she tried to ask.
"Tiring," walang gana nitong tugon saka na naglakad. Kaagad naman siyang humabol dito nang akmang aakyat na ito ng hagdan.
"R-Ran, I made us dinner."
"I'm not hungry," kaagad nitong sagot.
Bumagsak ang mga balikat niya kahit na dapat ay sanay na siya sa pakikitungo nito. Palagi namang ganoon, hindi ba? She keeps getting her hopes up only for him to disappoint her. Kasalanan din naman niya. Bakit pa ba kasi siya umaasang susuklian din ni Rancho ang pagmamahal niya?
Basag siyang ngumiti rito. "S-Sayang." She inhaled a sharp breath. "B-Birthday ko kasi r-remember? A-Akala ko kahit . . . kahit ngayong birthday ko lang? P-Pwede tayong . . . kumain nang sabay."
Rancho dodged her gaze. Tila sandali itong nagdalawang-isip nang makita nito ang lungkot sa mga mata niya. Maya-maya ay pumikit ito at humugot ng matalim na hininga.
"Call your friends. Throw yourself a party. I don't care," he said in a cold way.
Kumirot lamang lalo ang puso ni Kathlyn. "But . . . I don't have a lot of f-friends, Ran . . . and I wanna share this day with my husband."
Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Rancho. Tila ba nairita dahil sa huling salitang binitiwan niya kaya bago pa man ito makapagsalita ng masakit ay yumuko na siya't muling nagsalita.
"O-Okay lang. Uhm, a-ako na lang ang kakain. Sorry. Sorry, naaabala pa kita."
Nakayuko siyang tumalikod para bumalik sa dining area. She stared at the table with her gloomy eyes. Maya-maya ay pinakawalan niya ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib bago siya nagtungo sa kusina upang hanapin iyong birthday candle na ginamit niya sa mga nakalipas na taon.
Gaya ng ginawa niya sa mga nagdaan niyang kaarawan, sinindihan niya ang paubos nang kandila saka siya naupo sa dining area. She held the candle with both hands as she flashed a broken smile.
Namumuo na ang kanyang mga luha nang isara niya ang kanyang mga mata. She knows she has no right to ask God for a better relationship with her husband, but in all of her recent birthdays, Kathlyn saves her birthday wish for one thing; ang kahit paano ay umayos naman ang pagsasama nila ni Rancho.
She sniffed while she's still keeping her eyes shut. "Kahit ngayon lang po. Kahit ngayon lang . . ."
Kathlyn opened her eyes and blew out her candle. Nang mamatay ang sindi ay inilagay niya sa gilid ng plato ang kandila.
Mabigat man ang kalooban niya ay dinampot niya ang kubyertos. Tanggap na niyang mag-isa na naman siyang magdiriwang ng kaarawan niya kaya hinayaan na lamang niya ang kanyang mga luha na umagos.
She was about to grab the platter of rice when she heard footsteps approaching the dining area. Napaangat siya ng tingin at halos mamilog ang mga mata nang makita niya si Rancho na papalapit sa kanya.
He pulled a seat and occupied it. Maya-maya ay naglapag ito ng blank cheque sa mesa at itinulak iyon papalapit sa kanya nang hindi siya tinitingnan.
"Write any amount and buy yourself a gift. I'm not gonna do it for you," malamig ang boses nitong sabi bago nito dinampot ang bowl ng Puchero.
Kathlyn's heart warmed amidst Rancho's cold facade. Pinanood niya itong magsandok ng pagkain para sa sarili hanggang sa tuluyan na itong sumubo.
Rancho must have felt her staring at him. Lalong nalukot ang noo nito nang tila nairita dahil pinanonood niya itong kumain.
"What?" asik nito.
Kathlyn inhaled a sharp breath. She shook her head and smiled as she wiped her tears. "Wala. Masaya lang ako na makakasabay kitang kumain ngayong birthday ko." She looked at the cheque. "Hindi ko kailangan ng regalo, Ran. Ito lang ay . . . okay na ko."
Umiwas na ito ng tingin. Hindi na rin kumibo at kumain na lamang. Lihim namang napangiti si Kathlyn nang mapansing naparami ang kain nito. Hindi man maayos ang pakikitungo nito sa kanya ay ayos na rin dahil sa unang pagkakataon ay sinamahan siya nitong ipagdiwang ang kaarawan niya.
Tumikhim siya sa kalagitnaan ng pagkain nila. "P-Paborito mo raw 'yan sabi ng kusinera ninyo kaya pinag-aralan ko."
Rancho glanced at her hand. Nang napansin nito ang band-aid sa kanyang hintuturo ay bahagyang umigting ang panga nito.
"I'll send one of our cooks here," he said.
Napalunok si Kathlyn. "H-Hindi ba . . . masarap?"
Rancho drank the glass of water then stood up. "Stay away from the kitchen if you will only cut yourself every time you'd try to cook something." Malamig siya nitong tiningnan. "Baka kung mamatay ka, kasalanan ko pa."
Dinampot na nito ang pinggan at idinala sa kusina. Yumuko naman si Kathlyn at hinaplos ang band-aid sa kanyang daliri.
Is that . . . his way of showing that he somehow cares for her?
Lihim na lamang siyang ngumiti kahit na pinagmumukha na lamang niyang tanga ang martir niyang sarili. Maya-maya ay nilingon niya ang direksyon patungo ng kusina saka niya pinakawalan ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib.
"Mahal kita, Rancho . . . kahit ikaw ang pinakamahirap mahalin na lalake sa mundo . . ."