"Ma'am, baka mapagalitan ho ako ni Sir Rancho kung hahayaan ko kayo," halatang nag-aalangang sabi ng kusinera nang sabihin ni Kathlyn na siya na ang magluluto ng pananghalian.
Balak niya sanang bisitahin si Rancho sa opisina nito para dalhan ito ng lunch. May nabasa kasi siya sa isang website kagabi na naa-appreciate ng mga asawa kapag dinadalahan ang mga ito ng pagkain sa trabaho. Maybe her simple efforts would help tame Rancho so she decided to make him lunch today.
"Ako po ang bahala sa inyo. Sige na po, magpahinga na lang muna kayo," aniya saka kinuha ang apron.
"Pero, Ma'am . . ."
"Ayos lang po talaga, Manang Norin." Hinawakan niya ito sa braso. "Gusto ko hong ipagluto ang asawa ko kaya please pagbigyan n'yo na ho ako." She forced a smile. "Gusto ko lang pong mapalapit kay Rancho. I was hoping that doing simple things for him would help build our relationship."
Lumamlam ang mga mata ng matandang kusinera. Palibhasa ay hindi naman lingid sa kaalaman nito na hindi maayos ang pagsasama nila ni Rancho. Halatang naawa rin ito sa kanya kaya kahit ayaw sana siya nitong payagan ay um-oo na lamang.
"Tawagin mo lang ako, Ma'am kung may ipagagawa ka. Pwede naman kitang tulungan," ani Manang Norin.
She smiled. "Opo."
Hindi na niya hinintay na makaalis ng kusina ang kusinera. She washed her hands and then took out all the ingredients she needs. Ipinagluto niya ng Igado si Rancho. Nang ma-satisfy sa lasa ay isinalin niya iyon sa tupperware at naglagay rin ng sapat na kanin sa isa pang lagayan.
After making sure that everything is set and packed, Kathlyn went back upstairs to take a quick shower. Nagpabango siya at naglagay ng kaunting makeup. Pumili rin siya ng disenteng damit saka na bumaba upang dalhin kay Rancho ang niluto niyang pagkain.
She got into her own car and drove to Rancho's workplace. Hindi niya ito sinabihang darating siya dahil nais niya itong sorpresahin. Isa pa ay baka hindi lang siya payagan kung sasabihin niyang pupunta siya sa opisina nito.
Ipinarada niya ang sasakyan sa labas. She then grabbed the paperbag where she put the food she prepared for Rancho. Lumabas siya ng sasakyan at binati ang gwardya. Dahil kilala ang pamilya nila sa San Marcelino ay kaagad siyang namukhaan ng mga empleyadong naroon.
"Ma'am!" tila natatarantang tawag ng sekretarya ni Rancho nang makita siya nito.
Kathlyn smiled. "Hi. Uhm, si Rancho?"
"Naku, Ma'am mainit ang ulo. Nasa opisina niya ngayon."
Napalunok siya. "G-Gano'n ba? Can I . . . come see him? I made him lunch."
Nagkamot ito ng patilya. Tila hindi sigurado kung papayagan ba siyang pumasok sa opisina ni Rancho. Siguro ay nag-aalala ito na siya ang mapagbuntunan ng asawa niya ng init ng ulo nito.
"S-Sandali lang po, ha at itatanong ko po kay Sir kung pwede po kayong pumasok," nag-aalangan nitong sabi.
Kathlyn's brows furrowed. "Pero asawa niya ako, eh. Kailangan ba talagang ipaalam?"
Bumuntonghininga ito. "Bilin po kasi ni Sir na kapag may gustong dumalaw sa kanya, s-sasabihan po muna siya. L-Lalo na raw ho kung . . . kayo."
Nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Kathlyn. Hanggang trabaho pala nito ay hindi itinatago ni Rancho ang disgusto sa kanya.
Her shoulders fell, but instead of getting affected, Kathlyn smiled at Rancho's secretary and hid the pain she was feeling.
"Pakisabi sa kanya na mabilis lang naman 'to. Ibibigay ko lang talaga 'tong pagkain niya."
Tumango ito saka na lumapit sa cubicle. The secretary pressed the intercom and informed Rancho about Kathlyn. Maya-maya ay bumalik ito sa kanya at ngumiti.
"Pasok ka na daw po, Ma'am."
She smiled back. "Thank you, ah?"
Kathlyn walked towards her husband's office. Humugot pa siya ng malalim na hininga bago niya tuluyang itinulak ang pinto. Rancho was on his swivel chair with an annoyed expression written on his handsome face. Halatang naiirita na naroroon siya ngayon.
Rancho stood up. His eyes darted at her with a hint of anger and irritation.
"What do you think you're doing here?" asik nito nang maisara niya ang pinto.
Humigpit ang hawak niya sa paperbag bago niya pilit na nginitian si Rancho. "G-Gusto lang sana kitang dalhan ng lunch mo. I know you said I'm no longer allowed to stay in the kitchen but I can't help it." Lumunok siya't bahagyang yumuko. "G-Gusto lang talaga kitang ipagluto ng mga pagkaing alam kong gusto mo . . ."
Rancho fell silent. Ilang segundo silang binalot ng katahimikan bago ito nagpakawala ng malalim na hininga. "Leave it on the coffee table," malamig nitong tugon.
Kathlyn lifted her head and looked at her husband. "P-Pwede bang . . . dito na rin ako mag-lunch? G-Gusto sana kitang sabayan. P-Promise, I'll be quiet. Pagkatapos nating kumain ay aalis na rin kaagad ako." Her eyes turned pleading. "Please? W-Wala akong ganang kumain sa bahay kasi mag-isa ko lang."
Rancho clenched his jaw. Iniwas nito ang tingin mula sa kanya. Maya-maya ay pumikit ito at humugot ng matalim na hininga.
"Fine," he said in a breathy way. "But you have to leave immediately. Ang dami ko pang tatapusin."
Umaliwalas ang mukha ni Kathlyn. She hurriedly walked towards the coffee table to bring out the food she packed for him. May dala rin siyang plates at utensils. Inayos niya ang mga iyon sa mesa habang naupo naman si Rancho sa sofa.
She smiled at him. "Kain ka na. Sinarapan ko 'yan para sa'yo."
Rancho just sighed. Nagsandok ito ng pagkain habang nakaguhit pa rin ang inis sa gwapong mukha. Hindi na lamang niya inintindi ang ekspresyon nito. Ang mahalaga ay kakainin nito ang niluto niya. Kahit paano ay hindi nasayang ang effort niya.
Nagsandok na rin siya ng sarili niyang pagkain. Nang tila napansin ni Rancho na kakarampot ang ulam na kinuha niya ay dinampot nito ang lalagyan ng Igado. He then put some more on her plate then spoke in an annoyed tone.
"Eat more. Sabihin pa ng tatay mo ginugutom kita."
Kathlyn pursed her lips as she felt butterflies in her stomach. Delusional na siya kung delusional pero hindi talaga niya maiwasang kiligin kapag nagpapakita si Rancho kahit na kakarampot na simpatya sa kanya.
She ate her food and tried to finish everything on her plate. Nang natapos siya ay nagpaalam siyang pupunta muna ng banyo. Hindi naman siya kinibo ni Rancho. He just continued eating the rest of the food she packed. Tila ba nagustuhan din nito ang luto niya kaya naparami ang kain.
Masaya ang puso na lumabas si Kathlyn ng opisina nito. She asked the secretary where the washroom is. Nang maituro ang direksyon ay nagpasalamat siya rito saka na nagtungo sa banyo.
She went inside one of the cubicles to pee. Nang matapos ay lalabas na sana siya ngunit narinig niya ang dalawang empleyadong babae na kapapasok lamang ng washroom.
"Grabe, ang desperada talaga. Halata namang hindi siya mahal ni Sir Rancho, isinisiksik pa rin talaga niya ang sarili niya. Kung ako 'yon? Nagtago na lang ako sa bahay hindi 'yong hindi ka na nga mahal ng asawa mo, may lakas ka pa ng loob na pumunta sa opisina."
Napakurap si Kathlyn. Siya ba ang . . . pinag-uusapan ng mga ito?
One of the girls giggled. "Ano ka ba? Eh, sa makapal naman talaga ang mukha? Naku, kung hindi lang talaga faithful si Sir Rancho, ang daming aakit do'n. Ewan ko lang kung saan pupulutin 'yang pasimpleng ahas niyang asawa."
The other girl scoffed. "Faithful? Naku, kanino faithful? Kay Ma'am Kathlyn? Hindi 'no! Kay Demilyn faithful si Sir Rancho. I bet hindi siya pumapatol sa mga lumalandi sa kanya dahil faithful pa rin siya kay Demilyn. Nakita mo naman kung gaano sila ka-sweet noon bago umeksena 'yang si Ma'am Kathlyn?"
Tuluyang naluha si Kathlyn dahil sa narinig. She covered her lips with her hand to prevent the girls from hearing her sobs. Kung sino man ang dalawang iyon, sigurado siyang kilala ng mga ito ang ex-girlfriend ni Rancho.
Napaupo siyang muli sa bowl habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Out of all the hurtful things she'd heard in the entirety of her marriage with Rancho, that's probably the most painful thing Kathlyn had ever heard.
Nanginig ang ibaba niyang labi nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi ng babae sa labas. Rancho doesn't have side chics not because he's faithful to their marriage, but because he's still madly in love with Demi, and Kathlyn hates that her mind agrees to the woman's assumption.
Her chest tightened as she pitied herself. She just wanted to be a good wife even if Rancho despises her so much. Doesn't she deserve a little kindness? Sa dinami-rami ng pagkakataon na pag-uusapan siya ng ibang tao, bakit ngayon pa kung kailan naririnig niya ang mga ito?
Sinadya ba ito ng tadhana para ipamukha sa kanya na kahit kailan ay hinding-hindi niya mapapantayan si Demi? Na hinding-hindi siya mamahalin ng asawa niya sa paraan kung paano nito minahal ang babaeng hanggang ngayon ay alam niyang laman pa rin ng puso't isip nito?
Kathlyn shut her eyes and rubbed her chest after the women left the washroom. Umaasang sasapat iyon upang mapatahan niya ang sarili bago siya bumalik sa opisina ni Rancho.
"This is the price you have to pay, Kath." Her lower lip trembled. "This is the price you have to pay . . ."