PROLOGUE
Cloud and Sky
“Cloud, sure ka bang hindi mo ihahatid si Sky?” Nagkumot na lang ako at binalot ang sarili ko sa paborito kong kumot. I ignored Mom.
Ayoko.
Hindi ko kaya.
I’m only ten.
Si Sky, fifteen.
Sky is my childhood best friend. He’s been living with us since five years ago, after mamatay ang parents niya sa isang aksidente.
“Cloud!” tawag ni Dad, this time mas madiin.
I waved them off. Wala akong balak lumabas. Wala akong gustong kausapin.
Galit ako.
Masakit.
Hindi ko kayang makita siyang aalis.
Tahimik lang ang paligid. Hindi ko na marinig ang usapan nila sa labas.
Pero biglang—
Hinawi ko ang kumot at nanlaki ang mga mata ko.
Nasa harap ko si Sky.
Nakangiti. May halong lungkot ang mata.
“Cloud… I have talent. I can sing. I can dance. Pangarap ko ’to, alam mo ’yan,” sabi niya, trying to explain.
I rolled my eyes at tumingin sa kanya nang masama.
“I know, okay? Pero nakaya mong itago sa’kin ‘to? You auditioned five months ago, tapos hindi mo man lang sinabi. Sky! I’m your Cloud! Sinong mag-aalaga sa’yo dun kapag mag-isa ka na lang? Kaya mo ba talagang mabuhay nang wala ako? Eh hirap ka nga gumising sa school, magmo-module ka pa kaya?” Halos maubos hininga ko sa mga sinabi ko.
Instead of answering, pinisil niya lang ilong ko tapos ngumiti, 'yung tipong ngiting hindi ko kayang labanan.
“You need to be independent. Kaya mo ’yan,” sabi niya, soft pero firm.
Tumingin lang ako sa kanya, tears forming in my eyes. How can I be independent kung ikaw lang ang meron ako?
“You can’t live without me, Sky. Please… wait until I graduate. Sasamahan kita. Promise,” I said, giving him the best pleading look I could.
Pero hindi na epektibo. Dalawang beses na niya akong pinisil sa ilong.
“Baliktad, Cloud. Ikaw ’yung hindi kayang mabuhay nang wala ako. Even Mom and Dad are worried. I have my life. You have yours. Gawin mo kung anong nagpapasaya sa’yo. I’ll support you. Pero ngayon, please… hayaan mo ’kong abutin ’yung pangarap ko.”
Masakit.
Kinuyom ko ang kamao ko sa inis.
“I’m just trying to find a way para hindi ka na umalis! Skyyyy, Korea is too far! Paano na ako? What if ma-bully ako sa school? What if may manligaw sa akin? Do you think hindi ka mag-aalala? You’ll go crazy there! Please, stay!”
Hinawakan ko ang braso niya. Ayokong pakawalan.
“Ang arte mo na, Cloud!” biglang sabat ni Yaya Mercy, ang ever-supportive pero sarcastic naming yaya. “Hayaan mo na si Sky! Wala rin naman siyang magagawa kahit mag-ngawngaw ka pa d’yan. Go na, anak! For sure matatanggap ka doon!”
“Manang! How could you?! Sky will stay!” reklamo ko na parang artista sa teleserye.
“Grabe ka talaga, spoiled brat ka,” sabay gigil niya akong kiniliti hanggang sa mabitawan ko si Sky at mapasigaw sa kakatawa.
“Stop it, Yaya! Hahaha! Sakit na sa tiyan!” hinihingal akong tumigil at tumingin kay Sky—na ngayon, nakatitig na lang sa akin.
Parang may iniisip siya.
Parang may pag-asa pa.
Na baka, maybe… baka hindi na siya umalis.
Pero alam ko.
Alam kong hindi totoo ’yon.
Because he's Sky.
He’s talented.
He’s handsome.
He’ll go far.
And I won’t be there to see it.
He’s my first friend. My best friend. My first crush. My love. My comfort. My everything.
“Cloud…”
Naririnig ko pa rin. Paulit-ulit. Parang echo.
Hanggang sa…
Lahat naglaho.
Tumalikod siya.
Hindi man lang ako nilingon.
Tinawag ko siya. Sumigaw ako.
Pero parang hindi na niya ako marinig.
Tinawag ko si Yaya, pero pati mukha niya nagfade na
.
Si Mama, hinatid pa siya palabas. Hinawakan pa ang braso niya na para bang okay lang.
My heart pounded like crazy.
Then—
Isang flash. Isang apoy.
May reporter. May balita.
A plane crash.
Si Sky… sakay doon.
Tears streamed down my face.
“Hindi pwede!!!”
Nagising akong pawisan, yakap-yakap ang dibdib ko, hinihingal.
Masakit.
Nakakatakot.
It’s been a while since napanaginipan ko ulit ang araw na ’yon.
“Hoy! Okay ka lang!.. NBinangungot ka. ”
Nasa harap ko si Kiara, best friend ko since high school. Hawak niya balikat ko, gulat at worried.
“Cloud, sa kaka-stalk mo d’yan sa idol mo, pati panaginip mo sinasapian ka na! Are you okay?” sabay abot ng tubig.
“Grabe ka, muntik na kitang ipa-hospital sa nanay mo,” she said, half-joking pero halatang worried talaga.
“I’m okay…” I whispered.
“Girl, halos isugal mo na buong pagkatao mo para sa idol mo. Ayan tuloy, kahit tulog, hindi ka na binibitawan,” she added, shaking her head.
Inayos ko glasses ko. Napa-pout ako.
Isa lang naman ang idol ko.
Si Sky.
“First friend. First crush. First love. Greatest love. My life. My everything. Matatanggal mo ba sa puso ko ’yon?” sabay nguso ko sa kanya.
Ang taong kahit sa panaginip, hindi nawala.
Ang aking Sky.
The boy who chased his dreams even when I begged him not to.
The boy who got into an accident
…
Forgot everything.
Me.
Mom and Dad.
US.
But even with amnesia, he still became what he was meant to be—an idol.
As if destiny itself refused to change its course.
Ten years.
Ten years since that day.
Pero siya pa rin.
Walang nagbago.
Siya pa rin hanggang ngayon..
..........................CLOUD & SKY............................